Tom Rodriguez shot back-to-back love scenes with Max Collins and Lovi Poe

IMAGE Noel Orsal

Tom Rodriguez has Max Collins (left) and Lovi Poe as his leading ladies in GMA-7's drama series Someone To Watch Over Me. In the teleserye, he plays a character afflicted with early onset of Alzheimer's disease. Tom initially thought about his role: "Ano ba? Ito na ba yung bagong amnesia sa teleserye?"

 



Hindi inaasahan ng GMA-7 actor na si Tom Rodriguez na ipagkakatiwala sa kanya ng management ang lead role sa upcoming primetime drama series na Someone To Watch Over Me.

Makakasama ni Tom bilang leading ladies sina Lovi Poe at Max Collins. Kabilang din sa cast sina Jackie Lou Blanco, Edu Manzano, Isay Sena, Ronnie Lazaro, Frances Makil, Boy 2 Quizon, at ang baguhang aktor na si Ralph Noriega.

Nitong Lunes, August 22, ipinahayag ni Tom sa presscon ng TV series ang kanyang pasasalamat sa Kapuso network sa pagbibigay ng kanilang tiwala sa pagganap nito sa isang karakter na may mabigat na pagdaraanan.

Pahayag ni Tom, "Napaka-suwerte ko dahil nagtiwala ang GMA sa akin na ibigay yung ganito kabigat na material. Hindi ko inaasahan, hindi ako makapaniwala nung una kasi sinabi lang ni Popoy [Caritativo, manager] na may magandang material, pero hindi ko nalaman kung ano until makita ko yung material.

"Dun ko na-realize na grabe, the fact that they're trusting me with this, I'm so thankful. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila na patuloy silang sumusugal sa isang Tom Rodriguez.

"Isa silang malaking bahagi sa buhay ko at sa paglawak pa ng kaalaman ko dito sa industriya, ang GMA and Popoy, for always guiding me in the right direction. Sobrang grabe, I feel lucky!"


PREPARATIONS. Sa Kapuso drama series na mapapanood simula September 5, gaganap si Tom bilang si TJ Chavez na magkakaroon ng early onset ng Alzheimer's disease.

Si Lovi ang gaganap bilang si Joanna, ang asawa ni TJ.

Si Max naman ang gaganap sa papel ni Irene, ang ex-girlfriend na maalala ni TJ bilang kanyang mahal sa halip na ang asawa nitong si Joanna.

Nang malaman kung ano ang kanyang karakter na gagampanan, ibinahagi ni Tom na maigi siyang nag-research tungkol sa nasabing sakit. Sa tulong din ng social media, naghanap si Tom ang support groups forums tungkol sa Alzheimer's disease upang mas lumawak pa sa ang kanyang kaalaman tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Tom, "Sa totoo lang, ang unang-una kong masasabi, ako yung hindi ko talaga in-expect na mayroong ganitong kaso ng sakit sa totoong buhay. Medyo naisip ko pa nga nung una, 'Ano ba? Ito na ba yung bagong amnesia sa teleserye?'

"Nung nabasa ko siya at nag-research ako, iba yung nangyayari. And based dun sa karakter ni Lovi, kay Joanna, akala ko yung pasyente ang mas hirap ang pinagdadaanan pero mahirap din pala yung pinagdadaanan ng pamilya dahil sila yung nagsasakripisyo."

Sa kanyang pagsasaliksik, mas lumalim din ang kanyang paghanga hindi lang sa mga pasyenteng maroong ganitong sakit ngunit maging sa pamilya ng mga ito dahil na rin sa sakripisyong ibinibigay ng mga ito upang maipadama ang kanilang pagmamahal.

Dagdag pa ni Tom, "The fact na maraming kaso nangyayari ngayon na early onset ng Alzheimer's and the fact na maraming nagsasakripisyo at ipinapakita yung pagmamahal nila and they make the best of this seemingly worse situation.

"Lahat yun, naipapakita pa rin kung gaano kalaki yung kapasidad natin para magmahal at magsakripisyo para dun sa may hawak ng puso natin. Mas lalo akong bumilib, hindi lang sa pasyente kundi sa pamilya na dumadanas ng ganitong klase ng sakit."


LOVE SCENES. Sa teaser na ipinakita sa presscon ng Someone To Watch Over Me, agaw-eksena ang love scenes ni Tom sa dalawang leading ladies niya.

Biro pa ng aktor, tila si Max daw ang naging "breakfast" nito at si Lovi naman ang pang-"Lunch" dahil kinunan sa isang araw ang mga eksenang ito.

Napabilib naman si Tom sa professionalism na ipinakita ng dalawa lalo't hindi biro gawin ang ganitong mga eksena.

Saad ng aktor, "Sinabi ko sa kanila pareho, hindi madali yung mga hinihingi nila sa inyo especially sa social stigma. Napaka-suwerte ko dahil napaka-professional nila at handa silang ibigay ang lahat ng kailangan para magampanan at maipakita ng tama yung mga ganung kasensitibong eksena. Kaya grabe, hats off to these two."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman na daw nagugulat si Tom kung sakaling halikan man siya nang bigla ni Lovi habang kinukunan ang eksena dahil alam nitong parte ito ng role na kanilang ginagampanan bilang mag-asawa.

Dagdag pang paliwanag ni Tom, "Hindi naman yung hahalik lang nang hindi mo inexpect, di ba? Basta nasa eksena, basta nasa character, yun yung ginagawa namin and kung yun yung nararamdaman ng character ko, yun yung gagawin talaga.

"Kung dadayain namin, sabihin namin na, 'Hindi puwedeng ano e, ano ganito…' Hindi ka si Tom pag andun ka e, ikaw si TJ. So kung aayaw ka, si Tom yung umaayaw, hindi si TJ. E, pag andun ka, ikaw si TJ. Buti na lang, pag andun si Lovi, siya si Joanna. Pag andun si Max, siya si Irene."


ACTING CHALLENGE. Nasabi ni Tom na isa sa pinakamahirap gawin bilang aktor ay ang bumuo ng chemistry sa pagitan nila ng kaniyang mga leading lady. Isa rin ito sa tinukoy ni Tom bilang challenge sa kanyang pagganap bilang si TJ lalo't unang beses niyang makapareha sa isang teleserye sina Lovi at Max.

Sa tulong na rin ng kanilang direktor na si Maryo J. delos Reyes, mas napapadali daw ang kanilang eksena at maipakita ang pag-arteng nararapat para dito.

Ani Tom, "Sinasabi niya kung ano yung gusto niyang makita talaga sa amin. Kunyare ita-try namin kaso hindi pa ganun, hindi kaya ng pag-arte. Mahirap sa trabaho namin na we have to cultivate relationship and yung chemistry.

"Kailangan maipakita yun, yung mga kunyare mag-asawa ng ilang taon. Kailangan maipakita yun and kung pupunta ka dun na may alanganin, imposibleng makita yun kasi nakakatakot yung mga ipinapagawa.

"Kaya buti na lang, sa mga kapareha ko dito sa show na ito, kay Max at kay Lovi, napakasuwerte ko dahil nung una ako yung natatakot na, 'Please, kung ano lang yung kaya niyo or kung ano lang yung limit niyo. Please, sabihin niyo sa akin.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They were so professional at lahat ng kailangan naming gawin para maitawid yung mga eksena na yun, na maipakita na yung mga tao na yun ay nagmamahalan, na malaki yung impact sa buhay nila sa isa't isa. [Sabi ko], 'Sige gawin na natin, hindi na tayo mag-eedit or mag-aano.'

"We really have to jump on the scene kasi kailangan makarelate dun sa story, makita yung mga happy moments, all these romantic moments para makita at mai-compare yung dalawa, kung ano yung pinagdadaanan ngayon at kung ano yung nangyari dati."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN