Does Carla Abellana get jealous of intimate scenes between Lovi Poe and Tom Rodriguez?

IMAGE From Instagram account of Lovi Poe

Lovi Poe seems to have found in Tom Rodriguez an ideal screen partner. Even better, his girfriend Carla Abellana is a good sport about it. Lovi shares, "Wala naman yun kay Carla… she's, like, 'O, good luck, ha. I really appreciate it."



Natatawa lang si Lovi Poe na may ilang TomCar (Tom Rodriguez-Carla Abellana) fans daw na nagagalit at namba-bash sa kanya dahil sa intimate scenes nila ni Tom sa Someone To Watch Over Me.

Pahayag ni Lovi, "Well, hindi ko naman sila masisisi, pero it's work talaga."

Yung fans ba ang nagseselos, hindi ang girlfriend ni Tom na si Carla Abellana?

"Wala naman yun kay Carla," sambit ng lead actress ng Kapuso primetime series.

Hindi naman daw siya nagrereact dahil si Carla nga raw, supportive sa kanila.

Nao-offend ba siya sa mga ganung pangba-bash?

"Hindi naman ako na-offend, I just have to tell them, straight off.

"Ayokong maapektuhan ang working relationship namin ni Tom, kasi sobrang ayos.

"I really appreciate it, kapag may ka-trabaho ka, mahirap kapag may humahadlang.

"And si Carla, very supportive, right from the beginning.

"Nakausap ko pa si Carla noong nagti-taping kami, she's like, 'O, good luck ha.'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa taping ng kanilang teleserye ni Tom at Max Collins na Someone To Watch Over Me.

RAPPORT. "I love it!" bulalas ni Lovi nang mag set visit ang PEP sa location nila sa Fairview Terraces.

"Yung pinakamaganda, kapag ka-eksena ko si Tom, parang I get the same drive.

"Parang pareho kaming on the same page, kaya masaya ako kapag ka-eksena ko siya.

"Sa kanya lang ako humuhugot, nagtutulungan kami.

"I've worked with a lot of people, it's with Tom that I actually work, as in work together.

"Usually, kasi, when you motivate, may kanya-kanyang paraan 'yan, e.

"But with me and Tom, we make it a point to actually motivate together para it shows onscreen.

"Kapag nagmu-motivate kami, we're talking to each other as our characters, so ganun."

Sa STWOM, parang martir ang karakter niya dahil kahit hindi siya ang naalala ng karakter ni Tom na mahal nito, nagtitiis pa rin siya.

Sa totoong buhay, may pagka-martir din ba siya?

"I don't know, I haven't seen it yet," saad niya.

"Hindi ko pa nakikita yung martyr aspect, pero sa character ko, I don't want to call her martyr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's a fighter, the fact na pinaglalaban pa rin niya yung vows nilang mag-asawa.

"Hindi siya nagpapaka-martyr dun, e, she's selfless yes, but she's a fighter at the same time.

"Parang ang hirap ipaglaban ang ganung pagmamahal so, I believe, fighter siya."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN