Julie Anne San Jose on Benjamin Alves: "What you see is what you get."

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose on blossoming romance with Benjamin Alves: "As for Benj, we're good. I mean, okay kaming dalawa. What you see is what you get."



Nakapagsimula na ng kanyang taping ang singer-actress na si Julie Anne San Jose sa pagbibidahan niyang afternoon teleserye sa GMA-7 na Pinulot Ka Lang sa Lupa.

Ginagampanan ni Julie ang papel na Santina Marquez na originally ay ginampanan ni Lorna Tolentino sa original film version nito noong 1987.

Sobrang ramdam na ramdam daw ni Julie ang pagganap bilang Santina dahil marami raw silang similarities in real life ng naturang character.

Ayon kay Julie, pareho raw sila ni Santina na maprinsipyo pero palaban na tao.

Saad niya, “Si Santina is like a rose, sobrang fragile niya at the same time, maprinsipyo siyang tao tapos palaban siya.

“Kapag natatapakan ang mga mahal niya sa buhay, talagang ipaglalaban niya.

“Palagi rin siyang masayahin at sobrang positive ng aura niya.”

Pinaghahandaan na raw ng aktres ang mga magiging eksena nila ni LJ Reyes na siyang gaganap bilang si Angeli (played by Maricel Soriano in the movie version).

“Aapihin ako dito ni LJ kasi naging ulila ako at kinupkop lang ako ng pamilya niya.

“Magiging dahilan din si Benjamin Alves as Ephraim [originally played by Gabby Concepcion] kung bakit gusto akong gawing miserable ni Angeli,” kuwento pa ni Julie.

EXCITED ABOUT TEAM-UP WITH BENJAMIN. First time na magsasama sa isang teleserye sila Julie at Benjamin na romantically-linked ngayon sa isa’t isa.

Kaya para sa mga fans nila, mas believable ang romantic angle ng dalawa sa ginagawa nilang teleserye.

“I’m happy, and I’m thankful din sa GMA Network na nagkaron ulit ako ng opportunity na magkaroon ng acting project kasi it’s been a while since the last time I had a soap like yung Buena Familia.

“As for Benj, we’re good. I mean, okay kaming dalawa. What you see is what you get,” ngiti pa ni Julie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN