When will Alden and Maine get married on Eat Bulaga's Kalyeserye?

Maine Mendoza: "Yun ang pangarap ko. Yung may makasama habangbuhay at sigurado na po ako na si Alden yun." (To view pics, click: Maine hints at having children with Alden during their pamamanhikan)
 



Muling kinilig ang maraming fans ng phenomenal stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub dahil sa pagbalik sa ere ng Kalyeserye sa Eat Bulaga noong October 15, 2016.

Pansamantalang namaalam ang Kalyeserye noong nakaraang September 5. Sa final episode ng unang chapter ng Kalyeserye ay nagpaalam sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) dahil lilipad na sila sa Massachusetts, U.S.A. upang magbakasyon. Pinagbilinan ni Lola Nidora si Alden at Maine na alagaan nila ang mansyon at ang isa't isa habang wala sila.

Sa sinabi ni Lola Nidora na "we shall return" umasa ang mga fans na muling babalik ang inaabangan nilang Kalyeserye.

Nai-flash naman sa screen na magbabalik muli ang Kalyeserye, pero walang nakakaalam kung kailan.

Hanggang sa pinakita muli si Lola Nidora noong October 14 sa Eat Bulaga na tumatawag ito kay Maine at pinaalala ang pagdating niya sa Sabado dahil may magaganap na malaking sorpresa.

Ikinatuwa ito ng AlDub Nation at kumalat na sa social media at muling pagbabalik ng Kalyeserye.

Limang taon na ang nakalipas mula nang magkahiwalay sila.

Sa opening ng ikalawang kabanata ng Kalyeserye ay nakitang aligaga si Maine sa kusina kasama si Rogelia dahil parating na nga si Lola Nidora.

Pagdating ni Lola Nidora ay masaya siyang sinalubong ni Maine at agad silang nagkuwentuhan tungkol sa kanila ni Alden.

Ayon kay Maine ay ramdam niya na ito na ang tamang panahon para sa kanila ni Alden.

Biglang may tinawagan si Lola Nidora na inorderan niya online na special cake dahil hindi pa ito dumarating sa mansyon.

Nagalit na si lola dahil kailangang dumating ang cake dahil handa raw iyon sa magaganap na pamamanhikan sa mansyon!

Nagsigawan ang mga tao sa studio at pati na ang ilang host ng Eat Bulaga ay nagulat sa nabanggit na pamamanhikan.

Oo at iyon na ang araw ng paghingi ni Alden ng kamay ni Maine mula sa mga lola nito.

Hindi kumpleto ang pamamanhikan kung wala ang dalawa pang lola na sina Tinidora at Tidora (Paolo Ballesteros). Kaya mula sa isang van na dumating, sabay na dumating ang dalawa sa mansyon para makumpleto ang D'Explorer sisters.

Pinakita na rin ni Maine ang engagement ring na bigay sa kanya ni Alden.






Hindi nagtagal dumating na rin si Alden at ang kanyang mataray na lola na si Donya Babah (Ai-Ai delas Alas).

Tinanong ni Alden, "Nasaan na po ba ang fiancee ko?"

Ani Lola Nidora, "Yung mapapangasawa mo?" Saka niya tinawag si Maine na suot ang red dress na sinuot niya noong nag-date rin sila sa mansyon.

Muling naghiyawan sa studio noong sunduin ni Alden si Maine sa pagbaba nito ng hagdan at sabay halik sa kamay at noo.

Nagsimula nang hingin ni Alden kay Lola Nidora ang blessing nito para sa kanilang dalawa ni Maine.

"Lola buong puso po akong humaharap sa inyo ngayon upang hingin ang kamay ng pinakamamahal niyong apo na si Maine.

"Lola, pumapayag po ba kayo?"

Sang-ayon naman ang lahat na nararapat ang dalawa sa isa't isa. Kitang-kita pa ang mga harutan moments nila Alden at Maine sa harapan ng kamera at tila hindi na sila nahihiyang ipakita iyon.

Nabanggit ni Alden na handa na siya sa buhay na kasama si Maine at magiging panghabang-buhay ito.

Ani Alden, “Matagal din po namin ‘tong hinintay… Inayos po namin yung buhay namin, yung mga trabaho po namin para maging handa po kami sa kinabukasan po naming magkasamang dalawa… Handang handa na po ako na yung buhay ko magiging buhay niya at yung buhay niya, magiging buhay ko."

Si Maine naman ay sinabi na simpleng buhay lang ang hangad niya na kasama ang magiging pamilya niya. Nagbiro pa ito na 32 ang gusto niyang anak.

Sabi ni Maine, “Ang tunay ko naman po talagang pangarap ay magkaroon ng isang malaking pamilya, na makasama po yung mahal ko sa buhay, magkaroon po ng malulusog na anak…"

Nang mabanggit ang mga anak, nagtanong si Alden, "Ilan ba?"

Sagot ni Maine, "32."

Pagpapatuloy niya, "Yun kasi ang pangarap ko. Yung may makasama habangbuhay at sigurado na po ako na si Alden yun."

Humirit naman si Lola Tidora (Paolo Ballesteros), "Ang hirap mag-alaga ng anak: 32!"

Sinagot naman siya ni Maine, "Kaya niyo 'yan, para lalong lumaki ang pamilya natin."

Nagbigay naman ng babala si Lola Tidora (Jose Manalo): "Welcome to the family, Alden. Huwag mong lolokohin ang apo namin. Mamili ka: magmumog ka sa sarili mong ngipin o magkulay pasa ka."

Sumigaw si Lola Tinidora (Paolo Ballesteros) shouted, "Mabuhay ang bagong kasal!"

Nagtanungan tuloy sila, "Kailan ang kasal?"

Ngunit tumunog na ang horn na ibig sabihin ay tapos na ang Kalyeserye episode.

Sa mga susunod pang kabanata ng Kalyeserye malalaman kung kailan ang magiging kasal nila Alden at Maine.

Muling naging No. 1 trending topic worldwide sa Twitter ang hashtag #ALDUBAnew.


(To view pics, click: Maine hints at having children with Alden during their pamamanhikan)





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN