Kim Chiu on working again with ex-boyfriend Gerald: "Trabaho is trabaho."

IMAGE Danielle Oquias



Bali-balita na isang pelikula ang nakalinyang gawin ni Xian Lim pero hindi na si Kim Chiu ang makakapareha niya dito kung hindi ibang aktres na. Wala pa gaano detalye tungkol sa naturang pelikula pero tiyak na maraming KimXi fans ang magre-react tungkol dito.

Aminado naman si Kim na darating talaga ang punto na kailangan talaga nilang itambal sa ibang kapwa nila artista ni Xian.

“Kami naman open naman kami kasi di na naman kami teenager na napapabilang pa ako sa mga sweety loving...na parang exclusive," sabi ni Kim sa panayam ng PEP.ph at Cinema News kay Kim sa Push Awards last October 19 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.  

"Ang dami na kasi ngayon teens, loveteams, nasa mid-20s na kasi kami so wag na tayong makisali dun. Kung ano ang ibigay sa ating trabaho, yun na lang.

"Siyempre nagpapasalamat kami sa mga sumusuporta na solid talaga sa amin kasi ramdam namin, ramdam na ramdam talaga namin.”
 
Sa ngayon ay wala pang partikular na detalye na maibigay si Kim sa mga proyektong nakalinya niyang gawin.

Nang tanungin naman namin kung willing siyang makapareha ang ex-boyfriend na si Gerald Anderson in the future, bukas naman sa ganitong idea si Kim.

“Projects? Di ko pa alam. Malalaman ninyo sa susunod na araw.”

“Kay Gerald? Sa lahat naman. Wala naman kaming mga personal kasi trabaho is trabaho. Kung ano ang ibigay ng management  sa amin, yun yun. Professionalism.”

 
XIAN LIM IS MR. RIGHT. May mga awards nang natanggap ang kantang "Mr. Right" ni Kim.

Ang kanta na ito ay naging theme song ng mga bababeng di pa natatagpuan ang tamang lalake para sa kanila. Labis-labis naman ang pasasalamat ni Kim sa mainit na pagtanggap sa pinausong kanta.

Nang tanungin din namin kung si Xian na ba ang masasabi niyang Mr. Right niya, sumagot ng "oo" si Kim.

“Ang layo ng narating ni Mr. Right, umabot ako ng Billboard PH No. 2, nakakahiya. Salamat na lang, thank you sa lahat ng tumangkilik, sa lahat ng sumuporta kantang yun sobra at siyempre sa Star Music.

“Hindi lang teens, yung mga naghahanap ng Mr. Right, sila yun. Theme song ko? Puwede na. Siya na. Si Xian ngayon ang Mr. Right.

“Mr. Right, yung tao na tinatama ang lahat, yung pinapasaya, pinapa-inspire. Laugh ka lang ng laugh, yung ganun.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN