Maine Mendoza (aka Future Mrs. Richards) gets bridal shower on Kalyeserye

IMAGE Courtesy of Eat Bulaga's Facebook Page

Lola Nidora's reminder to Divina before her wedding with Alden Richards: "Magtulungan kayo hija, ha. Alalayan niyo ang isa't isa at laging isipin ang dahilan kung bakit kayo magkasama. Hangad ko ang kaligayahan niyo at lagi niyong tandaan na nandito lang ako. Kung kailangan niyo ako, just call me sa intercom."


Bukas, October 22, ikakasal na si Alden Richards at si Divina (Maine Mendoza) sa Eat Bulaga!

Ngunit bago ang kanilang kasal, isang surprise bridal shower muna ang ibinigay nina Lola Nidora, (Wally Bayola), Lola Tinidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tidora (Jose Manalo) para sa bride-to-be.

Hindi daw inasahan ni Maine na bibigyan siya ng ganitong party ng kanyang mga Lola. Sa kanyang pagdating, bigyan siya ng maliit na korona at sash na may nakasulat na "Future Mrs. Richards."








Sa pagsisimula ng party, nagbigay muna ng mensahe ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Divina. Kabilang dito ang floor director na si Pat. Mensahe nito para kay Divina: "Best Wishes sa inyo ni Alden and ano, sana maging mabait kang asawa in the future. Yun lang thank you!"


Ilang tradisyon din ang ginawa ng mga Lola ni Divina sa bridal shower nito. Nanguna si Lola Nidora sa pagpapausok gamit ang insenso upang mawala umano ang mga malas.


Binalot naman ni Lola Tidora ng puting kumot si Divina bilang simbulo ng kalinisan.


Hindi naman inasahan ni Divina na may mga zombie na saysayaw sa kanya bilang surpresa ni Lola Tinidora.


Mayroon ring games na ginawa para sa mga bisita ng bridal shower ni Maine.



Kabilang sa Principal Sponsors sina Helen Gamboa, Mike Enriquez, Joey de Leon, at Irma Adlawan. Kabilang din dito ang McDonald's SVP for Marketing Margot Torres at Group Product Manager ng San Miguel Corp. na si Elmer Villasanta.

Samantala, si Rodjun Cruz naman ang Best Man ni Alden habang si Nicoleen Mendoza na kapatid ni Maine ang Maid of Honor.

Sa Groomsmen naman napabilang ang That's My Bae members na sina Tommy Penaflor, Joel Valencian, Kim Last, at John Timmons. Ang Bridesmaids naman ni Maine ay sina Janicka Mendoza, Janeeva Verceles, at Katrina Nicolas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Candle Sponsors nina Alden at Maine sina Miggy Tolentino at Taki Saito. Veil Sponsors naman nila sina Kenneth Medrano at Toni Aquino. Sa Cord naman sina Jake Ejercito at Aicelle Santos. Si Baeby Baste naman ang kanilang Ring Bearer habang ang kapatid nito na si Samsam Arumpac naman ang Bible Bearer. Si Sandro Sotto ang Coin Bearer. Flower Girls naman sina Scarlette Mago, Ryzza Mae Dizon, at Olivia Mago.



Bago matapos ang segment, isa-isa nang nagbigay ng kanilang mensahe ang mga Lola ni Divina sa kanya. Sinimulan ito ni Lola Tidora.

Ang hiling nito para kay Divina, "Hija, basta tatandaan mo ha, laging nandito ang mga lola kung kailangan mo ng mga beauty tips. Just one 'woooh!' away! Alam no na! Lagi lang akong nandito.

"Ang gusto ko, lagi lang kayong masaya ni Alden dahil nagmamahalan kayo. I love you apo!"



Si Lola Tinidora naman ay naging emosyunal ng bigyan nito ng mensahe si Divina. Sabi nito kay Divina, "Alam mo mamimiss ka namin! Yung kakulitan ni lola wag mo kalimutan! Tandaan mo, andito lang kami, nandun ka. Magkalayo tayo. Pero apo, pag si Alden lumoko-loko, tawagan mo ako.

"Sabihin mo sa kanya, 'Alden pag sinaktan mo daw ako, ang sabi ni Lola Tinidora mamimili ka lang. Yung magkulay pasa siya o magmumog ng sariling ngipin.' Sabihin mo sa kanya, basta love na love ka namin."



Nagbigay naman ng payo si Lola Nidora kay Divina bago ito ikasala kinabukasan.

Saad ni Lola Nidora, "Mahal na mahal kita Divina. Alam mo bilang isang lola, pinapangarap kong makita kita sa altar kasama ang taong mahal mo. Kaya lubos akong nasisiyahan dahil bukas matutupad na iyon.

"At siyempre alam kong mahal na mahal ka ni Alden, mahal na mahal niyo ang isa't isa. Marami kayong pinagdaanan at hindi kayo sumuko pero umpisa pa lamang yan. Ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi joke-joke, hindi 'anong sabe?' Hindi ito parang kanin na isusubo pero iluluwa dahil panis na, hindi. Dahil ang taong pakakasalan mo ay ang makakasama mo panghabangbuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatapos nito, "Magtulungan kayo hija, ha. Alalayan niyo ang isa't isa at laging isipin ang dahilan kung bakit kayo magkasama. Hangad ko ang kaligayahan niyo at lagi niyong tandaan na nandito lang ako. Kung kailangan niyo ako, just call me sa intercom."



Sa pagtatapos ng segment, tumawag si Alden kay Maine at tila isang hindi magandang balita ang sinabi nito sa kanyang mapapangasawa. 

Sinabi ni Maine, "Ano? Ibig sabihin, hindi matutuloy?"

Dito na nagtapos ang Kalyeserye episode na #ALDUBBridalShower.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN