Rhian Ramos makes a request after being drained physically and emotionally by teleserye



Matatapos na ngayong Biyernes (October 28) ang GMA-7 afternoon teleserye na Sinungaling Mong Puso.

Sobrang naging emotional ang bida ng naturang teleserye na si Rhian Ramos noong last taping day nila dahil mami-miss niya ang buong cast and crew ng kanilang teleserye.

Kasama niya rito ang GMA stars na sina Rafael Rosell at Kiko Estrada.

Hindi lang daw kasi isang drama ang ginawa nila kundi isang paraan para mabukas ang mata ng publiko sa mga nagaganap na domestic abuse sa mga kababaihan ngayon.

Takot lang daw magsalita ang iba sa mga ginagawang pang-aabuso sa kanila physically and emotionally.

“Eye opener ito sa akin kasi during the show, I was able to visit those battered married women.

“What they taught me is that makakaalis ka rin sa situation na yun.

“And for me, I think, para maiwasan ang ganun, know your partner first before marrying him,” pahayag pa ni Rhian nang makapanayam namin siya noong nakaraang October 21.

Naging simbolo nga raw ang character ni Rhian na si Clara ng katapangan at pagtatanggol sa pagkababae niya mula sa isang mapang-abuso at saksakan ng sama na asawa.

Kaya sa katapusan ng teleserye ay isang madugong pagtutuos ang magaganap sa pagitan ni Clara at sa mister niyang si Roman (Rafael Rosell).

“It’s a bloody ending for both Clara and Roman.

“Para sa mga hindi napanood ang original movie nito, dito nila mapapanood iyon.

“But that scene was handled so meticulously by our director Ricky Davao. He made sure na papasa ito sa standards ng MTRCB.

“May rason kung bakit ginawa iyon ni Clara kay Roman. It’s the only way to end his evilness,” diin pa ni Rhian.

Nag-post rin sa Instagram ang Kapuso actress tungkol sa final week ng Sinungaling Mong Puso.

“It's the final week. Just 3 episodes left.. and i am pissed af. There's a level of anger that can make a woman forget what the point of morals is. I plead temporary insanity. What say you? #SinungalingMongPuso”

Masasabi nga ng aktres na ang Sinungaling Mong Puso ang pinaka-challenging, emotionally and physically, na teleserye na ganyang ginawa.

May isang taping daw na ang kukunan ay 25 sequences at lahat ng eksena ay kailangang umiyak siya.

Dumating na raw sa point na wala na raw mailuha si Rhian.

“This teleserye really exhausted me, physically and emotionally.

“Matindi ang mga eksena and it came to a point na wala na akong luhang ilabas.

“Mabilis akong umiyak, e. Pero dahil sa sunud-sunod na mga mabibigat na eksena, naubos na. Parang wala na akong maibigay pa.

“It was a good thing that we had an acting coach on the set. Kinausap niya ako and we did these breathing exercises para makalma ako. Masyado na raw kasi akong tense dahil sa scenes.

“When my nerves calmed down and I was able to think clearly na, doon na ulit ako nakaramdam ng dapat kong gawin for the next scene.

“Naging madali na ulit. I was able to cry again for the scene.

“Was it torture? Yes it was para sa akin. This teleserye really tested my ability to be the actress that I wanted to be.

“After this, hindi ko alam kung may papantay pa dito. But I learned so much and I will be able to carry that sa next role na gagawin ko.”

Wish ni Rhian na makapagbakasyon muna bago siya magsimula sa bagong teleserye.

Pinost pa ni Rhian sa kanyang Instagram account ang naging cast party ng Sinungaling Mong Puso noong October 21.

“We all deserve a vacation, ‘di ba?” tawa pa niya.

“Masyadong naging intense ang mga last days namin. Hindi lang dahil puro mabibigat na eksena, but ‘yung naging emotional attachment mo with the whole cast and crew.

“Nag-iyakan kami na walang rumorolyo na kamera kasi we will all miss one another.

“Hopefully, we can all work together again.

“Pero sana something light naman. Sobra kaming napiga sa teleserye na ito. It would be nice to do a romantic-comedy for a change,” pagtapos pa ni Rhian Ramos.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN