Derek Ramsay still under contract with TV5 until 2018

IMAGE Noel Orsal

Derek Ramsay remains firm in his commitment to TV5: "Ang focus ko is to help TV 5 in any way that I can para umahon, para maging isang stable network that's competing competitively against these other networks. So iyon ang priority ko for now."


Hanggang April 2018 pa pala nakakontrata si Derek Ramsay sa TV5.

Hindi ba siya nababahala na tila wala na yatang entertainment programs ang TV5 ngayon?

Saad ni Derek, “Well, alam niyo naman, I’m a sports guy, so kailangan nila ako gamitin dun.

I’m so willing to give my services to help them in sports so we can come up with sports concept shows.

They’re doing all of that right now, to see what show they can give me, pero I’m just here waiting for work.”

Ano ang pakiramdam na tila siya na lang ang natitirang big male star ng Kapatid network?

Pag-amin niya, “It’s pretty sad because you need talent there.

The network wont work if you don’t have the talents, so it’s kinda sad that the contracts of the other artists are done.

But, you know, they know all the details and why they have to do it.

I guess they’re cutting costs to rebuild again so… it’s sad, na ako na lang natitira.”

Sa 2018, sa tingin ba niya ay posibleng muli siyang alukin ng TV5 ng panibagong kontrata?

I dunno, but again if that time comes, when the time comes, they’re my priority if they wanna renew me.

They’ve been good to me, so I can’t say.

It’s not directly their fault na wala silang mabigay sa akin, di ba?

So again, nandito lang ako naghihintay, na kapag kailangan nila akong magtrabaho, nandito ako para magtrabaho.

But in the meantime, I’m keeping my name out there by doing movies and supportive sila sa akin when it comes to that, so I can’t complain,” paglilinaw niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa presscon ng The Escort, na pagbibidahan nila nina Lovi Poe at Christopher de Leon,noong October 13 sa 38 Events Place, sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO NETWORK TRANSFER PLANS FOR NOW. Kung magtapos na ang kontrata ni Derek sa TV5, okey ba sa kanya na bumalik sa ABS-CBN?

Sagot niya, “Ayokong isipin pa yun, e.

Kasi baka masaktan yung network ko, na nag-iisip na ako ng mga bagay na ganun.

So I won’t entertain that in my head for now.

Ang focus ko is to help TV 5 in any way that I can para umahon, para maging isang stable network that's competing competitively against these other networks.

So, iyon ang priority ko for now.”

Pero para sa mga hindi nakakaalam, ang pinagmulan ni Derrick na network ay ang GMA-7.

Pagmamalaki niya, “Nag-umpisa ako sa Eat Bulaga!

That’s where I started, my entire career on TV.

Kaya kung pinapa-guest ako ng Eat Bulaga!, never ako humihindi!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN