Pinoy comedian Alex Calleja aspiring to be Funniest Person in the World




Strong contender sa Funniest Person in the World category ng Laugh Factory ang 44-year-old stand up comedian na si Alex Calleja.

Isa siya sa mga writer ng It’s Showtime at Goin' Bulilit ng ABS-CBN.

Pupunta si Calleja sa Finland sa December 4 para sa grand finals ng Laugh Factory.

Suportado ng ABS-CBN, pati na ng It’s Showtime hosts ang pagsali niya sa contest na lalahukan ng mga stand up comedian mula sa iba’t-ibang bansa.

“Yung Laugh Factory, isa siyang sikat na bar sa Amerika kung saan nanggaling sina Chris Rock, Jim Carrey saka yung ibang mga sikat na star comedian.

“Ngayon, every two years, nagpapa-contest sila. Nag-perform ako sa Manila, saka sa Malaysia, Singapore pero ang trabaho ko sa Pilipinas, writer sa It’s Showtime, Goin' Bulilit.

“IT programmer muna ako bago ako lumipat sa ABS-CBN noong 2011.

“Nagkakilala kami ni Vhong Navarro sa Todamax, tricycle driver ako saka writer. Siya naman ang bida saka si Robin Padilla.

“Nagustuhan ni Vhong ang humor ko kaya dinala niya ako sa It’s Showtime para magsulat, dati sa isang segment lang hanggang in-absorb na ako as full time writer,” ang kuwento ni Calleja tungkol sa pagsisimula ng showbiz career niya.

Mapapanood si Calleja sa Mang Kepweng Returns bilang sidekick ni Vhong na nagrekomenda sa kanya kaya nakasali siya sa cast ng pelikula.

Isang Malaysian national na bilib sa talent ni Calleja sa pagpapatawa ang nagpadala ng performance video niya sa Laugh Factory.

“Nu’ng nag-perform ako sa Malaysia, si Rizal Kamal ng LOL Events, ipinadala niya yung video ko sa Laugh Factory noong August 2016.

“Tatlong rounds kasi yung contest.’Yung unang round, online voting, pagsalpak ng video namin,pataasan ng boto. Sa lahat ng 88 comedians, pangalawa ako. Umabot sa 1.2 million ang boto para sa akin.

“Nu’ng nasa Round 2 na ako, nabalitaan na ng ABS-CBN. So ngayon ongoing yung campaign para sa akin, digital, publishing…

“Isang Malaysian actor ang pinakamahigpit na kalaban ko, si Harith Iskander. Parang siya ang Vice Ganda ng Malaysia pero hindi siya gay. Marami siyang boto kasi artista siya at may TV show.

“Number one siya ngayon sa contest, number 2 ako tapos malayo na kami sa ibang mga contestant.

“Nu’ng pumasok ako sa Number 2, binigyan ako ng US$1,000 ng Finland pero susuportahan ako ng ABS-CBN.

“Pupunta ako sa Finland sa December 4 para sa finals ng Laugh Factory. Twenty kami na maglalaban, 50% ng online votes, 50% ng judges iko-combine para makuha yung Top 5.

“Kapag nakuha na ang Top 5, sa December 9, magpe-perform sila at i-a-upload uli sa Youtube, pagbobotohan sa loob ng 24 hours. Kung sino yun mananalo doon, makakatanggap ng US$100,000,” ang dagdag na impormasyon ni Calleja tungkol sa contest na sasalihan niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN