Alden to Maine: "Sayang, akala ko magiging daddy na ako."

IMAGE From Facebook page of Eat Bulaga



Nahihilo. Inaantok. Nasusuka.  Naglilihi. Nahimatay.

Ito ang mga senyales ng isang babaeng buntis at iyan ang mga napanood na mga nararamdaman ni Maine Mendoza a.k.a. Mrs. Richards sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!

Dahil galing sila ni Alden Richards mula sa honeymoon nila sa Europe, naghinala na ang lola na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo) na baka nga buntis na si Maine at mabibigyan sila nh apo sa tuhod.

Nang minsang binisita ng mga lola ang mag-asawa, naabutan nilang minamasahe ni Alden si Maine sa ulo dahil nahihilo raw ito.

Biglang humikab ito sa harap ng mga lola at sinabing lagi siyang inaantok.

Biglang naglambing si Maine kay Alden dahil gusto niyang kumain ng maasim na hilaw na mangga na may bagoong.

Hinihintay na lang ng mga lola sa sasabihin ni Maine pero biglang nahimatay ito.

Noong November 10, araw ng ika-69th weeksary ng AlDub, naghanda si Alden ng mga gustong kainin ni Maine. Para sa mga lola ay senyales na paglilihi ito ng kanilang apo.

Nagpatingin na sa doktor si Maine at hinihintay na lang ang resulta kung ano ba ang nangyayari rito. Buntis ba si Maine o hindi?

Marami ang nag-aabang ng resulta hanggang sa sabihin ni Maine na "positive" raw siya. Positive na anemic siya kaya nararamdaman niya ang kaparehas na sintomas ng isang buntis.

Kanina ay pinakitang namalengke ang mag-asawa at sinabi ni Alden na dapat ay di na sumama si Maine dahil baka atakehin ulit ito ng kanyang sakit.

May sorpresa nga dapat ang mag-asawa sa mga lola at ito ang ipagluto sila.

Umaasa pa naman ang D'Explorer sisters na buntis na si Maine pero nalaman nila na anemic pala ito.

Nasabi tuloy ni Alden kay Maine: "Sayang, akala ko magiging daddy na ako."

Sagot naman ni Maine, "Ano ka ba, ipagkakaloob rin yun sa atin sa tamang panahon. Maghintay ka lang."

Tinanong siya ng kanyang mister, "Sigurado ka bang wala?"

Nakatawa si Maine at sinabi, "Busog lang ako Alden pero wala.

"Kung magkakaanak tayo, ano kaya magiging itsura?"

Nag-imagine tuloy ang AlDUb kung ano ang magiging hitsura ng mga anak nila kung sakaling nabuntis si Maine.

Sa pamamagitan ng isang app ay naka-create ng mga babies na may mukha ni Maine at Alden.

Pinakita ang digitally altered pictures kunsaan pinagsama ang features nina Alden at Maine.

"Dapat may dimples rin yun," sabi pa ni Maine.









Pinakita rin ang mga photos ng anak nila kung magiging hawig nito ang Tres Lolas.






Bago tumunog ang busina, nabanggit ng mga lola na isang beauty queen ang magiging bisita ng Kalyeserye dahil mag-audition ito para sa Inday-gelio.

May sorpresa nga ang mag-asawa sa mga lola ngayon Sabado, November 12. Isa raw ito sa hindi nila pinapakita pa nung matapos ang kasal nila.

May mga iba na nag-iisip na baka ito ang honeymoon photos at videos nila noong nasa Germany at United Kingdom silang dalawa.





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN