Here's why Katrina Halili threw a mirror at Yasmien Kurdi

IMAGE Noel Orsal

Yasmien Kurdi (left) on Katrina Halili: "Nagkapikunan kami sa dressing room na binato niya ako ng salamin!"



Nagkapikunan sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa set ng GMA-7 afternoon series ng Sa Piling Ni Nanay.

“Nagkapikunan kami sa dressing room na binato niya ako ng salamin!

“Ang nangyari kasi… iniiwasan talaga namin na magkasakitan, as in lahat fake, pati mga sampalan and all,” ang kuwento ni Yasmien tungkol sa mga eksena nila sa Sa Piling Ni Nanay.

Solong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa opening ng Nail Cocktales Hand and Foot Spa nina Rich Asuncion at Ben Mudie noong November 26 sa Sapphire Residences sa Bonifacio Global City.

Three weeks ago ang nangyaring pambabato ni Katrina ng salamin kay Yasmien sa Pampanga.

“Tapos nilalagyan na lang effects minsan kasi nga ang sakit na ng katawan namin.”

Ipinakita pa nga sa amin ni Yasmien ang mga nangingitim na pasa sa braso niya bunga ng mga eksenang sakitan nila ni Katrina sa kanilang GMA Afternoon Prime series.

“Minsan may mga sugat ako.

“Anyways, si Kat kasi minsan, pag nasasaktan din siya, gumaganti!

“So there was this time na nag-away kami [sa eksena] tapos natadyakan… basta nahawakan ko siya ng madiin tapos natadyakan niya ako ng heels dito,” sabay-turo ni Yasmien sa may bandang tiyan niya.

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘O, bakit mo ako tinadyakan? Ang sakit, huh!’

“Ganyan. Tapos sabi ko, ‘Hindi, sige, okay lang, okay lang!’

“So nag-hug na kami after nun.

“E, bilang ako madada, pumunta ako dun kina Kuya Jojo [Aleta, executive producer ng Sa Piling Ni Nanay], sabi ko, ‘Si Kat ha, ayaw magpatalo sa eksena, oh!’

“Niloko ko lang ba, joke lang talaga yun.

“Tapos si Kuya Jojo parang, ‘Ay, ay, ay!’

“Ganyan-ganyan si Kuya Jojo, pang-asar din.

“Ayun na napikon na si Kat.”

Dahil dito, binato nga ni Katrina ng salamin si Yasmien!

“Tapos nabasag yung salamin niya. Buti na lang hindi ako tinamaan.

“Sabi ko, ‘Paano kung tinamaan ako? E, di nasaktan mo ako? Nagdugo 'yan! Mas malala, di ba?’

“Anyways after nun, nagbati naman kami, sabi niya minsan daw kasi hindi daw kasi niya alam kung paano magso-sorry or anything. Parang yung guilt and everything.

“Siyempre friend ko naman yun, no?”

Mabuti at hindi napikon o nagalit si Yasmien kay Katrina.

“Actually nung palapit siya sa akin, nakaganun siya [seryoso ang mukha], e, nakikita ko siya sa mirror. Tapos sabi ko sa kanya, ‘O ano?’

“Sabi kong ganun. Akala ko hindi pa siya makikipagbati sa akin kasi parang wala ng pag-asa, e, ganun ang nakikita ko.

“Tapos sabi ko, ‘Ano?’ Akala ko sasaktan niya ako or something.

“Hindi naman pala! Sabi niya, ‘Yas, sorry!’

“‘Sorry na rin.’”

“Mga ano yun, after one hour or two hours,” at tumawa si Yasmien.

Mabuti at hindi napikon si Yasmien, na nang batuhin siya ni Katrina ay hindi siya gumanti?

“Hindi!”

Kaibigan naman niya si Katrina.

“Saka dati pag nag-aaway kami nung mga bata pa kami, mas malala!”

Magka-batch sina Yasmien at Katrina sa unang season ng StarStruck ng GMA kung saan First Princess si Yasmien at Avenger naman si Katrina samantalang Ultimate Male and Female Survivor naman sina Mark Herras at Jennylyn Mercado.

Ito raw ang unang beses na nagkapikunan sina Yasmien at Katrina sa set ng Sa Piling Ni Nanay kahit marami silang eksenang nag-aaway.

“Kaya ngayon tina-try talaga namin to be careful talaga with every scene na gagawin namin para hindi talaga kami magkasakitan.”

Ani Yasmien, “Ayaw naming mag-away dahil lang sa eksena, alam mo yun, and we’re friends, we’re friends. Pero nung time talaga na yun, minsan may mga eksena talaga na hindi namin alam paanong nangyari.”

Sa kabila ng pangyayari ay magkaibigan pa rin sina Yasmien at Katrina.

“Yes, we’re friends until now,” bulalas ni Yasmien.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN