Andrea Torres on her daring outfits in Alyas Robin Hood: "Bawal humindi!"

IMAGE Rose Garcia (left frame)

Andrea Torres on positive feedback of her role as Venus in Alyas Robin Hood: "Happy, happy ako sa feedback. Kasi, naaaliw sila na masungit siya, pero may times na umiiyak din siya. Siguro, ngayon lang nila ko nakitang medyo astig-astig na role. Nae-enjoy ko, nae-enjoy ko talaga."



Isa sa inaabangan ng mga manonood sa GMA-7 primetime series na Alyas Robin Hood ay ang pagpapa-sexy ng isa sa leading ladies ni Dingdong Dantes na si Andrea Torres.

“Bawal humindi!” natatawang reaksiyon dito ng Kapuso actress.

“Kailangan palaging ready.

“Minsan, magugulat ka na lang, may swimsuit next taping day.

“So, wala kang chance na mag-prepare talaga.”

Totoo namang pinag-uusapan si Andrea sa mga palabang eksena at pagpapa-sexy niya sa Alyas Robin Hood.

Kaya hindi na nakapagtatakang mas dumami ang tagahanga niyang mga lalaki ngayon.

“Mas maingay ang Twitter, Instagram,” nakangiti niyang sabi.

May mga lesbian din bang nagpaparating ng paghanga sa kanya?

Ayon kay Andrea, “Mix, mix sila.

“At saka sinasabi nila na, ‘Gusto ko talaga ng ganyan, palaban.’”

Ang production daw ang nagpu-provide kadalasan ng isinusuot niyang sexy outfits.

Hindi naman daw siya umaangal dahil kung ano ang ibigay o ipagawa sa kanya, yun ang ginagawa niya.

Bawal siyang tumaba dahil dapat ay palagi siyang sexy?

“Bawal tumaba, puwede namang kumain, pero hindi kasi katulad nun sa Millionaire’s Wife, grabe akong kumain.

“Eto yung talagang sobrang alalay.”


POSITIVE FEEDBACK. Masaya si Andrea sa feedback na natatanggap niya sa kanyang pagganap bilang Venus sa Alyas Robin Hood.

Pahayag niya, “Happy, happy ako sa feedback.

“Kasi, naaaliw sila na masungit siya, pero may times na umiiyak din siya.

“Siguro ngayon lang nila ako nakitang medyo astig-astig na role.

“Nae-enjoy ko, nae-enjoy ko talaga.”

Halos lahat naman daw ay positibo ang mga nakararating na komento sa kanya.

“Mostly positive, wala pa kong nakikitang negative kaya grateful naman ako.”

Samantala, nilinaw naman ni Andrea na kaya mas marami siyang eksena ngayon kumpara sa isa pang leading lady sa Alyas Robin Hood na si Megan Young ay dahil nagbakasyon ang Miss World 2013.

Pero wala raw isyu ng exposure sa kanilang dalawa.

“Ay, hindi po, nag-New York siya. Nag-New York siya last week,” sabi ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN