Maggie Wilson recalls difficulties of Amazing Race Asia: "Kapag rest day namin, umiiyak ako."



Out of 11 teams, napanalunan ng mga beauty queens na sina Maggie Wilson (Binibining Pilipinas-Miss World 2007) at Parul Shah (Binibining Pilipinas Tourism 2014) ang 5th season ng The Amazing Race Asia.

Ini-air ang finale episode at announcement of winners sa AXN Asia noong December 15. May apat na buwan din daw na inilihim talaga nina Maggie at Parul na sila ang nanalo dahil kapag may lumabas at nalamang galing sa kanila, magmumulta sila ng P5 million.

“Siyempre, no, ayaw namin ‘no! Kaya quiet talaga kami,” natawang sagot ni Maggie nang makausap ng pep.ph (Philippine Entertainment Portal) nang bigyan sila ng welcome pocket presscon ng AXN channel.

Isang buwan din daw silang nag-race.

“One month kaming nag-film for the show, for the entire month of August, we’re racing. Katulad nga ng sabi ni Parul, stressful siya pero at the same time, super fun.

“Fun siya kasi, yung mga kalaban mo, hindi mo kilala. And then, you make new friends. Tapos one month kaming walang cellphone. Bawal kaming tumawag sa pamilya namin. Hindi ko nakausap ang asawa ko saka anak ko for one month.”

Para raw kay Maggie, ang kawalan ng komunikasyon sa mag-ama na niya ang naging pinakamahirap na aspeto ng race sa kanya.

“Hindi mo matawagan o makausap ang pamilya mo, even your friends,” saad niya.

Alam naman daw niya na bago pa niya tinanggap ang Amazing Race Asia, alam na niya isa ito sa magiging rules. Iba lang daw talaga kapag nandoon na at isang buwan na nga silang walang kontak.

Ayon naman kay Maggie, “Well, I trust naman my husband.

“Tapos yung Mom ko, lumipad pauwi para bantayan ang anak ko. Yung sister ko rin, yung one month leave niya from work, kinuha niya rin noong wala kami, yung one month of August, umuwi rin siya.

“Si Connor, may school naman siya and you know, love na love rin siya ng Mommy ko. Super close siya sa Lola niya, so, it was easy naman. I think, it was just harder for me,” natawa niyang sabi.

Nang makauwi na raw siya mula sa race, noon lang daw niya nalaman na nagtatanong na ang anak niya kung babalik pa nga ba siya.

“He was asking, 'Is Mommy gonna come home?' Actually, may mga time na kapag rest day namin, umiiyak ako. Kasi siyempre, when you’re resting, nasa hotel room lang kami the whole day, mapapaisip ka, kamusta na kaya yung anak ko, kamusta na yung asawa ko.

“Pati pera, kinukuha, kaya wala kaming pera, wala kaming pambili. But we’re not allowed to go outside the hotel. Pero on TV, we don’t cry. During rest day lang, pagod ka.”

Nahirapan man at namimiss man niya ang pamilya niya, hindi raw sumagi sa isipan man lang nila ni Parul na mag-give-up sa race.

“Go, go, go talaga kami,” natawang sabi ni Maggie.

“Kahit anong mangyari, hindi talaga kami magku-quit.”

Pareho silang mga beauty queens na sumabak sa isang napakadugong race kunsaan, ilan sa mga kalaban nila ay mga atleta talaga.

“But you know what, kung titingnan mo ang cast, iba-iba rin kami. May mga atleta, may mga beauty queens, DJ, hosts. Kapag tiningnan mo kami, hindi kami lahat mukhang fit. Pero yung amazing race, although physical siya, for me, it 80% strategy.”

Beauty and brains talaga sila?

“Of course! You have to have brains to win,” natawang sabi niya.

Sa kanilang palagay, ano ang naging strategy nila bakit sila ang nanalo?

“Our strategy is never to come in last. Kasi yung name of the game is to stay in the game. So, never kaming naging last. Wala kaming pakialam about coming in first, huwag lang last.

“Kasi, mapapanalunan mo lang yung $100,000 sa huling leg. E, siyempre, kapag lagi kang una, iisipin ng ibang kalaban, threat ka. And we race as best as we could.”

Ang napanalunan nila ay $100,000 o nasa P5,000,000.

Isang linggo bago sumali sa race sina Maggie at Parul, na-stroke ang daddy ni Parul sa Dubai at malaking pera ang kailangan. Ito raw ang isa sa dahilan kung bakit sila sumali kaya ang napanalunan nilang pera ay para sa pagpapagamot nito.

Ayon kay Maggie, “The whole point why we joined the race is to help Parul and we won.”

Sa pagkakataong yun, naitanong din kay Maggie kung ano ang naging reaksiyon niya sa nangyaring laban ni Catriona Gray sa nakaraang Miss World.

Marami sa Pinoy at netizens ang nagsasabing ito raw dapat ang nanalo.

“For me, hindi ko siya napanood actually but I saw a lot of Facebook posts. Ang pinagtataka ko lang, bakit siya inistyle ng pareho kay Megan Young.

“She looks the same with Megan Young when she won in 2013. Pati color ng gown, style ng hair, almost exactly the same. But aside from that, I think she’s a beautiful girl.

“Coming in Top 5 is amazing feat already. Believe me, life doesn’t end after a beauty pageant, believe me. Having a title doesn’t measure the kind of person that you are and what you can do.”

Sa ngayon, may offer na raw kina Maggie at Parul sa regional in Asia. Pero bukod dito, gusto pa rin naman daw nilang mag-trabaho rito sa bansa.

Ngayon nga ay napanood bilang guest si Maggie sa primetime series ng Till I Met You ng ABS-CBN.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN