Tom Rodriguez comments on ending shot for Someone To Watch Over Me



Physically at emotionally challenging ang ginampanang karakter ni Tom Rodriguez sa Someone To Watch Over Me, ang primetime series niya na magtatapos na ngayong gabi.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang GMA-7 actor sa huling taping day nila sa Marikina, tinanong namin siya kung ito na ba ang pinaka-challenging role na ginawa dahil gumanap siya ng tao na may early onset of Alzheimer’s disease?

Ayon kay Tom, “Well ano, it’s very challenging talaga. Actually, every role that was given to me, it’s a challenge rin in one way or another. Siguro biased lang ako to say because this one is what I’m facing now. But honestly, yun talaga ang masasabi ko.”

May anim na buwan na ginawa ni Tom ang Someone To Watch Over Me. Sa loob ng anim na buwan, ano ang mga naging realizations niya?

“Actually, may isang eksena kami ni Lovi [Poe]...pero bigla kong na-realize doon, bumilib ako lalo sa karakter ni Joanna.

“Sabi ko, wow, is there a person actually like this that exists in real life? What woman is that...napaka-selfless. Yun ang bigla kong na-realize, it’s hardest for sure for the patient, pero mas mahirap para sa family...being around them.

“Kaya mas lalong tumaas ang respeto ko sa mga taong merong pasensiya at pagmamahal na ganun klaseng maibibigay.”

Ngayong January 6 ang finale episode ng Someone To Watch Over Me sa Kapuso Network.

Masaya ba siya sa magiging ending ng karakter niya na si TJ?

“Yeah, yeah, very happy,” saad niya.

“Simpleng simple pero tagos sa puso. Ang ganda. Ako, I said that’s how I chose to end it as well.”

Kung sa totoong buhay: hahanapan niya rin ba ng magiging partner ang asawa niya kapag alam niyang bilang na ang mga araw niya sa mundo?

“Hindi ko masasabi, e. I’m not in a position. Pero yung masasabi ko for TJ, na-justify niya kung bakit niya nagawa yun. Kasi, pinangakuan niya yung asawa niya, that I will make you happy, I will take care of you. Promise niya yun and he intends to keep it.

“Hindi niya sinabi para sinabi lang. Noong sinabi niyang aalagaan kita, talagang yun ang intention niya. Tapos ito ang nangyari so, yun na lang daw. Siguro, masasabi nating mali but for him, yun lang ang paraan na naisip niya at that time para maalagaan yung mag-ina niya, para matupad niya ang pangako niya.”

Habang ginagawa ni Tom ang STWOM, may nakausap siya na miyembro ng pamilya ng taong nagkaroon ng early onset of Alzheimer’s disease.

Ayon dito, “Hindi ko na-meet yung tao, pero yung family member.  Buhay pa yung mom niya at ganun din ang story, siya ang nag-aaccount sa family.

“Tapos, kinukuwento niya yung nangyayari.

“Ang daming materials sa internet. Hindi yung videos ng mga artista. [Mga] life cases. Until now, binabalik-balikan ko pa rin, pinapanood ko pa rin at hindi nawawala yung tagos sa puso. Ang sakit na nakikita mo kasi napaka-tragic ng mga kuwento.

“Iba yung kuwento, parang spectrum yung mga kuwento kasi makikita mo na hirap yung pasyente, pero mas hirap ang pamilya. Pero makikita mo na mas namumuo pa rin ang pagmamahal sa isa’t-isa.”

Masayang-masaya si Tom dahil sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang teleserye. Naging consistent na isa sa top-rating shows ng GMA-7 sa primetime block ang Someone To Watch Over Me.

Sabi pa ni Tom, “Sobrang happy ako na people are opening their minds to this kind of illness. Ako, gaya nga ng sinabi ko, presscon pa lang, nandoon tayong lahat, wala siya sa radar ko, e, so hindi siya nag-register sa utak ko.

“Sabi ko nga, wala sigurong nangyayaring ganun.

“So the more na nag-research, mabibigla ka na may ganito palang klase na grabe. Bakit hindi nababalita? Bakit hindi napapaalam? Bakit ngayon ko lang ito narinig? Parang magugulat ka.

“At happy ako ngayon na parang may synchronizing na nangyayari. Na sana nga, it would have a positive effect. It’s started with ALS bucket challenge, parang rumerehistro sa utak ng mga tao, napag-uusapan, nakikita sa mga movies. They started finding cures para ma-combat yung sickness.”

Masaya si Tom dahil unti-unti, nakakahanap ng posibleng lunas sa early onset of Alzheimer’s disease.

“Nasa Vigan pa lang, si Direk Maryo [delos Reyes, sinabi niya], may nahanap siyang treatment, it’s an ultrasound treatment, binalikan ko ulit, tiningnan ko ulit. Happy to say, nothing conclusive pa ngayon, pero sabi nila, 70% ng recovery memory, 100%. Tapos, non-invasive pa yung treatment.

"In 2017, they might start higher level animal [tests] and baka human. Sana magkaroon na ng lunas sa ganitong sakit. Dati, even scientists and medical practitioners, hindi rin ganun kalawak ang kaalaman nila. Parang hindi nila alam how to combat this treatment.”

Dugtong pa niya, “I’m happy that people are happy about it and the people in the set. Pero ako, ayokong iniisip yung rating.”

Posibleng mas may pressure na naman sa kanya na makahanap ng bagong proyekto na kayang higitan ang lalim ng karakter niya ngayon.

Ganito rin ba ang mangyayari tulad nang gawin niya ang My Husband’s Lover noon?

“Hindi ko iniisip yung ganun, e. I don’t usually think of those things and pressure myself. If they’ll propose something, I’ve been lucky to have these engaging roles.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN