Why is LJ Reyes afraid to watch Maricel Soriano's portrayal in Pinulot Ka Lang Sa Lupa?

LJ Reyes on portraying Maricel Soriano's previous character in the movie : "Isa talaga siya sa idol ko, e, si Maricel Soriano kaya it's a privilege na magampanan ko ang ginampanan niyang role."


Natatakot si LJ Reyes na panoorin ang orihinal na pagganap ni Maricel Soriano sa karakter ni Angeli sa pelikulang Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Ang parehong karakter ang gagampanan ni LJ sa TV adaptation ng sikat na pelikula ni Ishmael Bernal noong 1987.

Pero pinili raw ni LJ na hwuag nang panoorin ang ginawa ni Maricel dahil, unang-una, iba naman daw ang hinihinging pag-atake sa kanya sa kanyang gagampanang karakter.

 

“Hindi ko pinanood kasi, medyo malaki ang difference,” saad niya.

 

“Kasi nga, una, babae yung naging nanay namin, yung umampon sa amin.

 

“’Tapos, nagkaroon na rin ako ng totoong nanay rito sa story.”

 

Bukod pa rito, sabi ni LJ, “Ayokong ma-pressure. Natatakot po ako, napi-pressure ako.”

 

May takot ba siya na maikumpara kay Maricel Soriano?

 

“Well, hindi naman fear kasi kapag nasa set naman tayo, we always give our best naman,” sagot ni LJ.

 

“Pero, ayoko lang na siyempre, kapag nakita mo na ang character mo, alam mo na ang character na ipu-portray mo.

 

“Siyempre, ang mangyayari, medyo huhugot ka lang dun. 

 

“Ayoko lang mangyari yun.

 

“Gusto ko lang na ma-portray ko si Angeli on my own way.”

 

Sa kabila nito, aminado si LJ na isa sa mga idolo niya noon pa man ay ang tinaguriang Diamond Star ng showbiz.

 

Ani LJ, “Isa talaga siya sa idol ko, e, si Maricel Soriano kaya it’s a privilege na magampanan ko ang ginampanan niyang role.”

 

ACTING COMPETITION? Inintriga si LJ ng ilang entertainment press dahil kilala na siya bilang award-winning actress at baka raw “lamunin” niya si Julie Ann San Jose sa mga eksena nila.

 

“Hindi, talaga lang matapang ako, yun talaga ang role,” paglilinaw naman ni LJ.

 

“Kasi, yun nga, minsan kasi sa soap, hindi mo nabibigyan ng back story.

 

“Even si Martin [del Rosario], wala siya sa movie. Dito interesting kasi i-portray ang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Gagampanan ni Julie Anne San Jose ang naging karakter ni Lorna Tolentino na si Santina sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

 

Magsisimula ang bagong  teleserye sa January 30 sa afternoon prime ng GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN