RK Bagatsing goes wild in new soap with Maja Salvador

IMAGE Noel Orsal

RK Bagatsing feels lucky to have worked with one of his celebrity crushes, Maja Salvador: "Sobrang hands down ako kay Maja."



Lubos ang ang pasasalamat ni RK Bagatsing dahil muli siyang mapapasama sa teleserye ng ABS-CBN, ang Wildflower.

Hindi raw siya makapaniwala sa panibagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network.

Aniya, “Sobrang thankful ako, pangalawang teleserye ko na ito sa ABS, pero pinagkatiwalaan nila ako ng napakimportanteng role.

“Of course, being part of napakagaling na ensamble, yun ang sobrang kinate-thankful ko.

“Sobrang dami kong natutunan sa kanila, each and every taping, and sa mga directors ko, sobrang pasalamat ko.”

Kasabay ng pasasalamat ay nakakaramdam daw siya ng kaunting kaba sa bago niyang role.

Sabi ni RK, “Napakalaki talagang pressure sa akin yung role na binigay.

“It’s not a walk in a park, actually, yung gagampanan ko.

“Napakaimportante niya sa istorya kaya looking forward to that.”

Sa una kasi niyang teleserye, ang Be My Lady, isa siyang simple at mapagmahal na kapatid ng karakter na ginampanan ni Erich Gonzales.

Ngayon, kakaiba naman daw ang role niya sa teleseryeng pagbibidahan ni Maja Salvador dahil may pagka-daring at sexy ang tema nito.

“Ibang-iba, sobrang 360 degrees [ang pagbabago],” paglalawaran ng nakababatang kapatid ni Raymond Bagatsing.

“Yung role ko sa Be My Lady, sobrang loving brother, tapos nasa isang napakasayang pamilya.

“Then, kung titingan mo ang pamilya Adiente [sa Wildflower], it’s totally different, napakadaming drama sa buhay nila.

“Ito nasa mansyon, maraming nakakasalamuha na iba’t-ibang tao,yun nga iba’t-ibang drama sa buhay.”

Diin pa niya, “Lahat wild emotions—galit, love, sexy.

“Lahat ng mapapanood ninyo dito walang mild. It’s all about being wild.”

Makakasama nina Maja at RK sa Wildflower sina Joseph Marco, Vin Abrenica, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, and Wendell Ramos.

Ang Wildflower ay napapanood Lunes hanggang Biyernes bago ang TV Patrol sa ABS-CBN.

DREAM COME TRUE. Bukod sa bagong karakter na gagampanan, isa pang dahilan ng kaligayahan ni RK ay ang pagkakataong maging isa sa leading men ni Maja sa Wildlower.

“It’s a dream come true for me,” ani RK.

“Palagi kong sinasabi, kapag tinatanong ako about Maja Salvador, isa siya sa hinahangaan kong aktres dito in our generation.

“Ngayon na katrabaho ko na siya, mga first few taping days namin, nag-a-adjust ako, sobrang adjustment ko.”

Base sa mga una nilang pagsasama sa trabaho, inilarawa ni RK ang kilalang Kapamilya actress.

Sabi niya, “She was so professional and she was so helpful and understanding.

“Tinutulungan niya ako, ang dami niyang input sa akin, ang dami kong natutunan sa kanya.

“So far nagi-improve na mga scenes namin and sobra wala, sobrang hands down ako kay Maja.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN