Benjamin Alves renews contract as GMA Network Excellence Award ambassador

IMAGE Noel Orsal

Nakatakdang mag-iikot sa buong Pilipinas ang Kapuso actor na si Benjamin Alves upang maghahanap ng mga deserving graduating students para mapasama sa GMA Network Excellence Award (GNEA) 2016-2017. 



Muling pumirma bilang GMA Network Excellence Award (GNEA) ambassador ang Kapuso actor na si Benjamin Alves kahapon, February 13.

Ito na ang pangalawang taon ni Benjamin bilang ambassador ng naturang corporate social responsibility(CSR) ng GMA Network.

Ang GNEA ay nasa ika-15 taon na sa paghahanap ng mga excellent graduating student ng Mass Communication, Multi-Media Arts, Electronics Communications Engineering kung saan ang isa sa pitong mapipiling finalist ay gagawaran ng plaque at P50,000.

Kuwento ni Benjamin sa media pagkatapos niyang pumirma ng kontrata, “Marami po ng nagtatrabaho ngayon sa GMA lalo na po sa GMA News and Public Affairs ay awardee po ng GMA Network Excellence Awards.

“At makikita niyo po yung galing at focus nila sa work dahil po naging awardee po sila.”

Now happening: #BenjaminAlves in his pocket interview with the press.

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

Kung may mga tanong daw ang mga hinahanap nilang mga graduating students tungkol sa nasabing award ay handa siyang sumagot sa pamamagitan ng kanyang mga social media accounts.

Si Benjamin ay summa cum laude graduate mula sa University of Guam kaya naman malaking bagay sa kanya ang edukasyon.

Mag-iikot din siya sa Pilipinas para maghahanap ng mga kuwalipikadong estudyante.

Para sa contest criteria at mechanics, maaring mag log-on sa www.gmanetwork.com/excellenceaward o kaya ay tumawag kay Unis Loleng sa 928-7777 local 1108.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN