Lotlot de Leon to portray mom of Bilog and Bunak on Magpakailanman

IMAGE GMA Network's Magpakailanman

Bahagyang kinuwento ni Lotlot de Leon ang kanyang reaksiyon nang una niyang mapanood ang viral video ng magkapatid na Bilog at Bunak Tiongson na binansagang "Ipapasa Ko 'To Sa Facebook."



Ngayong Sabado, Pebrero 18, mapapanood sa Magpakailanman ng GMA-7 ang kuwento ng buhay nina Bilog at Bunak Tiongson.

Sila ang magkapatid na sumikat dahil sa kanilang “Ipapasa ko ‘to sa Facebook” viral video.

Dito ay makikitang nag-away ang dalawa matapos asarin ni Bunak ang kapatid na si Bilog, na kumakanta ng Tagalog version ng “Dance With My Father.”

Ang Kapuso child stars na sina Leanne Bautista at Kenken Nuyad ang gaganap bilang Bilog at Bunak.

Si Lotlot de Leon ang gaganap bilang kanilang ina na si Ana.

Ayon kay Lotlot, napanood niya ang viral Facebook video nina Bilog at Bunak bago pa napili ang beteranang aktres sa cast ng Magpakailanman.

“Naaliw ako, nakakatuwa sila kasi,” bungad ni Lotlot.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot sa restaurant nito sa Paranaque City noong Pebrero 14.

Hindi ba ni-request ni Lotlot na ang tunay na Bilog at Bunak ang gumanap sa episode ng Magpakailanman?

Sagot ng aktres, “Hindi naman. E, siguro merong nakatakda talaga para sa kanila kung gusto nilang mag-artista later on.”

Naging maganda raw ang kinalabasan ng pag-arte ng Kapuso stars na sina Leanne at Kenken.

Sabi ni Lotlot, “Oo, magagaling. Ang cute nila!”

Si Gardo Versoza ang gaganap bilang mister ni Lotlot sa kuwento ng Magpakailanman.

Kasama rin sa cast sina Barbara Miguel, Karla Pambid, at Banjo Romero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN