Kwak-kwak diva Tammy reveals why he is grateful to comedian Atak

IMAGE Noel Orsal

Aminado ang baguhang komedyante na si Tammy Brown na na-star struck siya noong nakita niya ang idolong si Regine Velasquez. Kaya naman masayang-masaya siya na nakasama na niya ito ngayon sa bagong show ng GMA na Full House Tonight



Malaking break para sa baguhang komedyante na si Tammy Brown ang pagkakasama niya sa Full House Tonight ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Nakilala si Tammy sa kanyang "Tatlong Bibe" viral video sa Youtube kung saan ginagaya niya ang mga boses nina Regine, Jaya, at Vina Morales.

Kaya naman tyinatawag na siya ngayong Kwak-kwak diva.

Kuwento ni Tammy, “Sobrang na-star struck ako sa tuwing may nakakasama akong artista. 

“Kahit saan man ako magpunta.  Sino ba naman ang hindi ma-star struck lalo na pag ang idolo mong si Regine Velasquez ang kasama mo.

“Naiilang po ako kasi dahil sa bago po ako.  Pero yung ilang ko pong yun sa loob po ay kinikilig ako. 

"Nagkakaroon po kami ng bonding kapag nagpapatawag po si Ate Reg ng bonding.  Nawawala po yung kaba.  Nagbi-brainstorming po kami kung ano pa yung magandang gawin sa show.”

Hindi ito ang unang TV show ni Tammy. Kabilang din siya sa Celebrity Duets ng GMA noon kung saan isa rin sa mga host ng show ay si Regine.

Ayon ka Tammy, ang pagsikat niya sa social media ay hindi niya sadya kundi isang katuwaan lang nang gayahin niya ang mga boses ng ilang sikat na mga singer sa pag-awit niya ng "Tatlong Bibe."

Saad niya, “Nagising na lang po ako na marami na siyang views at sa second day ginawan ko naman ng iba pang version kasi feeling ko maraming natutuwa.

“Ang GMA-7 ang nagbigay sa akin ng bansag na Kwak-kwak diva na talagang ikinatuwa ko naman dahil binigyan nila ako ng title.”

Maliban sa pagiging TV comedian, regular na napapanood si Tammy sa mga comedy bars gaya ng The Library, Laffline, at Punchline.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tammy sa grand presscon ng Full House Tonight.

LIFE BEFORE THE LIMELIGHT. Bago napasok sa mundo ng komedya, naging alalay muna si Tammy sa ilang mga transgender na nagsisilbing escort sa mga foreigners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “May mga friends akong sinasamahan ko.  Sa mga events na kailangan naming mag-escort.  Usually American.  May one-time na Chinese. 

“Ipinakikilala rin ng mga friends na mga gays.  Mga 2008 pa ito.  Hindi ako masyado kasi parang ako lang yung alalay nung mga friends ko.

“Kasi hindi naman ako gusto ng mga foreigner.  Napauwi nga ako kasi hindi ako yung gaya ng ibang mga bading may boobs na. Yun talagang mukhang mga babae.

“So usually, sumasama lang ako sa mga transgender kong kaibigan as alalay nila.  Binibigyan lang nila ako ng pera.”

Bukod pa rito, nagtrabaho din siya sa isang fashion shop.

Ang komedyanteng si Atak raw ang nakadiskubre kay Tammy at kinumbinse siya nitong pumasok sa mundo ng sing-along sa Manila.

Dagdag pa ni Tammy, “Napanood ako at narinig akong kumanta ni Atak sa San Pablo, tapos nag-offer siya sa akin, puwede akong mag-stay sa bahay niya.  Napatira ako sa kanya. 

“Lahat ng regular shows niya sumasama ako.  Ipinakikilala niya ako sa ibang may-ari ng comedy bars.

"Pero nagku-comedy bar na ako sa probinsya namin kasi may mga nagbukas ng comedy bar doon.

“Bago ako napunta ng Manila, kumakanta-kanta na ako doon.  Tapos noon, nagkaroon ng workshop sa The Library.

“After nun tinawagan na kami for regular gig, hanggang sa dumami na yung pinagpupuwestuhan kong comedy bars.” 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN