Dominic Roco praises Alden Richards's work ethic

IMAGE Noel Orsal

Dominic Roco (in photo) on working with Alden Richards: "Grabe ang taong 'yan. He is such a workaholic. Masyado rin siyang generous na tao."


Masayang-masaya si Dominic Roco dahil sa magagandang reviews na natanggap niya sa pagganap niya bilang gay best friend ni Maja Salvador sa pelikulang I’m Drunk, I Love You.

Hindi nga raw inasahan ng GMA-7 actor na mapapansin ang kanyang role bilang si Jason Ty.

Nagulat na lang daw siya sa mga positive feedback na nabasa niya on social media.

Noong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dominic sa press conference ng GMA-7 primetime teleserye na Destined To Be Yours sa B Hotel, sinabi niya na masaya siyang mapasama sa cast ng I’m Drunk, I Love You dahil nagustuhan niya ang role na binigay sa kanya.

Sabi niya, “I’m just happy to be part of the movie and being able to work with both Paulo Avelino and Maja Salvador.

"In every role na binibigay sa akin, I make sure that I give my best.

“Hindi enough yung ginampanan mo siya.

“Kailangan heart and soul ang ibigay mo para maging effective ka at maka-relate ang mga tao sa character mo.”

IMPRESSED WITH ALDEN'S WORK ETHIC. Sa Destined To Be Yours, ginampanan ni Dominic ang kanyang papel bilang best friend ni Alden Richards.

Ito raw ang first time na makatrabaho ni Dom si Alden at humanga raw siya sa sobrang sipag nito sa trabaho.

“Ngayon ko lang nakasama sa isang teleserye si Alden.

“Grabe ang taong ‘yan.

“He is such a workaholic.

“Masyado rin siyang generous na tao.

“Kahit na may sakit na ‘yan sa set, he would still go on working hanggang matapos ang lahat ng eksena niya.

“Kung tutuusin, he can excuse himself dahil maysakit na siya, e.

“Pero hindi siya titigil hanggang hindi tapos ang work niya.

“Ayaw daw niya kasing maging cause of delay sa trabaho.

“He wants things done nang maayos.

“Ganyan siya ka-professional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nandiyan siya sa kinalalagyan niya ngayon because of his dedication and generosity.

“Hindi lang niya iniisip ang sarili niya kundi ang ibang katrabaho din niya.

“No wonder a lot of young people look up to him.

“He is truly an inspiring person,” pagmamalaki ni Dominic.

DEATH IN THE FAMILY. Kinumusta namin ang ama ni Dominic na si Bembol Roco at nagkasama lang daw sila recently.

Kamakailan lang kasi ay sumakabilang-buhay ang lola ni Dominic na ina ng kanyang ama.

“My dad is in the process of grieving right now.

“Lola passed away mga two weeks ago lang.

“Nakasama namin siya ni Felix [his brother] a few days ago.

“We’re all sad sa nangyari, but we will be okay,” pagtatapos ni Dominic.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN