Janine Gutierrez on shooting rape scene: "Medyo na-trauma talaga ako."

Janine Gutierrez recalls how Marc Abaya threw her off a cliff for the teleserye Legally Blind.




Aminado si Janine Gutierrez na ang Legally Blind ang pinakamahirap na project na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

“Mahirap talaga, hirap na hirap talaga ako. Nakaka-drain! Malala.”

Ang rape scene ni Janine ay umaga na nakunan.

“Alas siyete na the next day. Actually bago talaga kunan yun, iyon yung palagi kong iniisip araw-araw, kung, ‘Kukunan na ba ito, kukunan na ba ito?’   

“Kasi kinakabahan po talaga ako dun, e. Saka gusto ko din sana magampanan ng maganda dahil di ba, madami talagang nakaka-experience nun sa totoong buhay?

“So gusto ko bigyan ng hustisya kasi siyempre hindi biro yung mangyari sa iyo yun, e. So medyo na-trauma talaga ako dun sa rape scene.”

Sa Legally Blind, si Janine ay gumaganap bilang si Grace Evangelista, isang aspiring lawyer. Ang karacter ni Marc Abaya na si William Villareal ay isang drug addict na siyang nang-rape sa character ni Janine.

Pero sa halip na siya ang alalayan ni Marc Abaya si Janine ay ang Kapuso actress pa ang umalalay kay Marc nang kunan ang maselang eksenang iyon.

“Kinakabahan kasi siya, e,” bulalas ni Janine, “about the rape, na parang hindi niya ma-imagine sa totoong buhay kung paano daw makakaya iyon ng isang tao.

“So talagang kinakabahan siya na gawin namin yung eksena.”

Mas kabado ba si Marc kaysa kay Janine?

“Kabadung-kabado ako pero siguro pantay kami ng kaba.”

So paano niya inalalayan si Marc?

“Wala sinabi ko lang na, ‘Okay lang ha, okay lang. You can do anything.’

“Para hindi siya mag-alangan sa eksena.

“Nakunan nga namin the next day na, 7 A.M.

“Mahaba po kasi yung eksena na yun, e. Kasi na-rape siya, tapos lumusot pa siya sa salamin, tapos nahulog pa sa bangin, so halos isang araw.

Physically, emotionally and acting-wise, ang papel niya bilang si Grace Evangelista ang pinakamahirap na role ni Janine sa buong showbiz career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagod ko nakatulog  na ako sa bangin, actually,” ang tumatawang rebelasyon pa ni Janine. “Natutulog ako sa bangin!”

Habang kinukunan ang eksenang inihulog siya sa bangin na walang malay ay totohanang nakatulog siya.

“Kasi ano po yun, parang… yung calltime namin 1 A.M., so siyempre halos hindi ka na makatulog the night before dahil gigising ka ng 12 midnight para magpunta sa taping.

“Tapos yung kinunan namin yung gumulong ako sa bangin, tapos, basta yung huli po siyempre may mga nakadiskubre na sa akin na mga tao, so paggising ko tapos na pala yung eksena,” at muling tumawa si Janine. ‘Tulog na si Janine!’

“Kasi sa ilalim ng bangin.”

Sa rape scene naman ay iningatan naman raw siya dahil wala namang ipinakitang maselang parte ng katawan niya.

Mabubulag si Janine sa kuwento ng Legally Blind at marami ang nagsasabing mahirap para sa isang artista ang mag-portray bilang bulag.

“Ang hirap nga po! Sobrang hirap. Minsan… yung eksena ni Lauren [Young] na yung nasa harap kami ng kabaong tapos nag-aaway kami, yung nagagalit siya, minsan pag sobrang bigat ng eksena na kailangang mong umiyak, nung una talagang nag-a-adjust pa ako na bulag pala ako dito.

“So nung eksena na yun since super-bigat, ang iniisip ko alng talaga yung emotions, na nakalimutan ko na bulag ako!

“Parang na-realize ko halfway na to the scene na, ‘Ay, bulag nga pala ako!’

“So gumanyan-ganyan ako, kumapa-kapa para pambawi.

“Kasi ang hirap po talaga mag-adjust na siyempre pag umaarte ka ginagamit mo yung mata mo?

“Tapos nakakatulong din pag tinitingnan mo sa mata yung kaeksena mo?  So malaking-malaking adjustment po talaga para sa akin.”

Sa direksyon ni Ricky Davao, mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang Legally Blind simula ngayong Lunes, February 20. Leading man ni Janine dito si Mikael Daez bilang si Edward Villareal.



Stories We Are Tracking

Marc on rape scene with Janine:
Marc on rape scene with Janine: "I had to objectify her."









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN