Bikini pic of Barbie Forteza praised by Bela Padilla, other celebrities

IMAGE From Instagram account of gorgoeusbarbieforteza (compilation)



Pinag-uusapan ng netizens at ilang celebrities ang larawan ng GMA-7 star na si Barbie Forteza na naka-two-piece bikini.

Ang ABS-CBN star na si Bela Padilla ang isa sa mga nag-react sa kuha ni Barbie para sa GMA-7 primetime series na Meant to Be.

Ang iba pang celebrities na nag-share ng picture at nag-comment ay ang Kapuso stars na sina Jerald Napoles, Joyce Ching, Kris Bernal, Lovi Poe, Rochelle Pangilinan, Sanya Lopez, at Bea Binene.

Si Jerald ay nagpost ng bikini photo ng kanyang Sunday Pinasaya co-host at sinulat niya sa caption: "Hindi pwedeng palampasin ang pag re-post ng picture na to...ready na po siya...hahhaahha.. and i'm a proud friend!!! Slay mars @barbaraforteza !!! Congrats at NANALO NA!!"


Sa comments section ay Sa comments section ay naglagay ng emoticons si Bela ng smiley face na may heart. Bilang tugon, nag-post si Barbie ng "Bela! Anubaaa! Idol kita eh!"







Si Matet de Leon ay nag-comment ng "Hanep" at sinagot ito ni Barbie ng "anubaaaa tetam!" 

Pinuri ni Sanya si Barbie nang sabihan niya ito ng "sexy" samantalang si Bea Binene ay nag-post: "Ay grabe naman tooo!"

Post naman ni Kris Bernal: "Ibang klase yung @barbaraforteza" at si Lovi Poe ay nagsulat ng caption na "Pak!! Sexy!"

Pinakita ni Joyce Ching ang suporta kay Barbie sa pamamagitan ng pagpost niya sa Twitter account niya na may caption na: "Teka lang, iba to!! I'm so proud!!"

Ang naturang larawan ni Barbie ay kuha sa taping noong Lunes, February 20, sa isang beach sa Laiya, Batangas.

First time ni Barbie na magsuot ng bikini sa telebisyon kaya naman lumikha ito ng ingay at curiosity sa mga tao. Marami ang napahanga ni Barbie sa pagiging sexy niya at pagiging flawless ng balat.

Hindi naman daw nahirapan ang produksiyon na kumbinsehin pa si Barbie para mag-two-piece swimsuit ito.

Ayon kay Barbie sa interview nito sa 24 Oras, "Once na nabasa ko ang script na may ganitong eksena, nag-cut agad ako ng carbs.  Wala agad carbs, maliit na chicken for protein lang at egg whites, tapos saging na saba."

Kaya naman maaga ang naging summer para sa primetime teleserye na pinangungunahan ni Barbie bilang si Billie at ang apat na Meant To Be boys na sina Ken Chan bilang si Yuan,  Jak Roberto bilang si Andoy, Ivan Dorschner bilang si Ethan, at Addy Raj naman bilang si Jai.

Kung si Barbie, naka-two-piece, topless at naka-board shorts ang suot naman nina Ken, Jak, Ivan at Addy sa beach trip nila.

Naikuwento rin ni Barbie na sa mga episodes na mapapanood ngayong linggo lalabas kung ano ang iba't-ibang style ng panliligaw ng apat.

Pero nang tanungin si Barbie kung sa totoong buhay, ano ang approved na style na panliligaw para sa kanya, sinabi nitong, "Sana sa lalaking mamahalin ko, sana bigyan nila ng value and importance ang family.

"Saka gusto ko, gentleman sa akin."




Stories We Are Tracking

LOOK: Barbie Forteza in bikini, Meant To Be boys go topless
LOOK: Barbie Forteza in bikini, Meant To Be boys go topless
Meant To Be defeats A Love To Last, based on AGB ratings
Meant To Be defeats A Love To Last, based on AGB ratings



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN