LOOK: Julie Anne and LJ Reyes recreate iconic pool scene in Pinulot Ka Lang Sa Lupa

IMAGE Courtesy of GMA-7

Direk Gina Alajar believes Julie Anne San Jose (left) and LJ Reyes, the current leads of Pinulot Ka Lang Sa Lupa reboot, can hold their own compared to lead stars of the original version: "I mean, ewan ko, hindi siguro sila kasing-sikat that time ni Maricel at ni Lorna, hindi ba, but they're as good. They're as good, they're as fresh, they're as raw."



Hindi raw nag-aalala si Gina Alajar na baka hanapin ng mga tao ang acting nina Lorna Tolentino at Maricel Soriano kina Julie Anne San Jose at LJ Reyes sa TV version ng Pinulot Ka Lang sa Lupa.

Sina Lorna at Maricel ang gumanap na Santina at Angeli sa movie version ng Pinulot Ka Lang sa Lupa noong 1987.

Ngayong 2017, sina Julie Anne at LJ naman ang Santina at Angeli, respectively, sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa drama series na idinirek ni Gina at kasalukuyang umeere ngayon sa GMA-7.

Nakaka-deliver naman daw sina Julie Anne at LJ bilang mga aktres.

“I mean, ewan ko, hindi siguro sila kasing-sikat that time ni Maricel at ni Lorna, hindi ba, but they’re as good.

“They’re as good, they’re as fresh, they’re as raw,” pagmamalaki niya.

Ngayong March 1, mapapanood na ang iconic pool confrontation scene between Julie Anne (as Santina) at LJ Reyes (as Angeli).

Pinag-usapan at naging classic ang eksenang ito nina Maricel Soriano at Lorna Tolentino sa film version nito noong 1987. Dito binitiwan ni Santina (Lorna/Julie Anne) ang classic line na  "Pareho lang tayong pinulot sa lupa!"










NO ISSUES WITH GEOFF, CARLA WORKING TOGETHER AGAIN. Blooming si Direk Gina (na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa sa GMA Network Center) kaya kinumusta namin sa kanya ang lovelife niya.

“I’m in love with Jesus! In-love ako kay Jesus.

“And my apos are my love.”

Sa naunang panayam namin sa anak ni Direk Gina na si Geoff Eigenmann, tinanong namin si Geoff kung papayag ito sakaling may offer na project na katrabaho ang ex-girlfriend nitong si Carla Abellana.

Papayag daw si Geoff dahil trabaho iyon.

Si Direk Gina, papayag ba siyang idirek si Carla sa isang project?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman. Wala namang problema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw niya nakatrabaho si Carla mula noong mag-break sina Carla at Geoff.

Papayag rin ba siya kung sakaling pagsasamahin ng GMA sina Carla at Geoff sa isang project at siya ang direktor?

Ulit niya, “Alam mo, wala namang problema 'yan kung wala silang problema.

“I mean, you know it’s the same thing as Benjamin and Julie Anne nung kinausap ko sila.

“Tinanong ko sila, ‘Okay, yung relationship niyo ba will affect or will not affect yung roles niyo, yung working habits niyo, working conditions niyo at kung paaano niyo gagampanan yung role?’

“If you say, ‘No, it will not affect,’ then I will trust you, I will believe in you.

“But if you say na, ‘Baka po magkaproblema kasi awkward po, ganito, ganyan,' dun may problema tayo.’

Napapabalita kasing may relasyon sina Julie Anne at Benjamin Alves na leading man (bilang si Ephraim) sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Ano ang isinagot kay Direk Gina nina Julie Anne at Benjamin?

“Sabi nila hindi, so I expect that, hindi ba?

“So, ganun lang din yung isasagot ko kung sakaling ipagsasama si Geoff, kung sakaling kunin siya ulit dito [sa GMA], sila ni Carla, ako ang direktor.

“Work is work, so if they tell me that, you know, it will not affect their relationship their attitudes will not affect their work, then fine.

“Wala namang problema,” muling pahayag ng actress-director.



Stories We Are Tracking

Julie Anne, LJ Reyes wear bikinis for Pinulot teaser
Julie Anne, LJ Reyes wear bikinis for Pinulot teaser
LJ afraid to watch Maricel in Pinulot Ka Lang Sa Lupa
LJ afraid to watch Maricel in Pinulot Ka Lang Sa Lupa




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN