Lharby Policarpio willing to bare for his craft

IMAGE James Patrick Anarcon

Lharby Policarpio feels honored working with veteran director Gina Alajar: "Sobrang nakaka-inspire kasi everytime na makikita ko si Miss Gina...sobrang… Actor's director si Miss Gina kasi."



Unang nakilala si Lharby Policarpio sa Walang Tulugan With The Master Showman hanggang sa sumali siya sa To The Top boy band search ng GMA-7.

Nasundan ito ng cameo appearance sa Once Again nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, at ngayon ay full-length na ang role niya sa teleseryeng Pinulot Ka Lang Sa Lupa bilang si Boggs Capistrano.

“In a way, para akong sounding board dito ni Ephraim [played by Benjamin Alves].

“Ako yung kaibigan niya simula pagkabata na kapag may problema siya, kapag may problema sa pamilya sa lovelife, gym buddy niya ako.

“Ako ang nakakaalam at minsan ako ang nag-a-advise at tumutulong sa kanya, nagpapa-relax sa kanya.

“Kasi si Ephraim maraming problema sa buhay. So iyon.

“Mabait po ako dito, at chickboy,” at tumawa si Lharby nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week sa GMA Network Center.

Bukod kay Benjamin ay kasama rin ni Lharby sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa sina LJ Reyes (bilang Angeli), Martin del Rosario (bilang Kiko) at Julie Anne San Jose (bilang Santina).

Ang direktor ng bagong teleserye ay si Gina Alajar.

WORKING WITH DIREK GINA. Honored raw si Lharby na maidirehe ni Direk Gina.

Lahad niya, “Sobrang nakaka-inspire kasi everytime na makikita ko si Miss Gina...sobrang…

“Actor’s director si Miss Gina kasi.

“Alam niya talaga kung ano yung nabi-vision niya sa isip niya.

“Kapag hindi mo nakuha, kakausapin ka niya.

“Hihintayin niya kung ano yung right time na magawa mo yun and iyon, eventually nagagawa naman ng lahat ng actors sa set.

“So masaya sa taping, presko lang, dirediretso, walang sigawan, sobrang relaxed.”

THANKFUL FOR TV PROJECTS. Sa To The Top, bagamat isa si Lharby sa mga hindi pinalad na manalo ay isa naman siya sa mga nabibigyan ng break na makaganap sa mga soap opera ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga nagwagi na bahagi na ngayon ng Top One Project (T.O.P.) ay sina Joshua Jacobe, Adrian Pascual, Mico Cruz, Miko Manguba, at Louie Pedroso.

Kaya kahit hindi siya nanalo ay thankful si Lharby dahil nakakaarte siya sa mga drama shows ng GMA.

Dagdag niya, “Of course, of course!

“Ito naman talaga yung dream ko, e – yung maging isang, kumbaga makilala ako ng mga tao as a serious actor.

“Na naipapakita ko yung talent ko in acting at kung ano yung kaya kong ipakita.

“Tapos, lalo pa si Miss Gina Alajar yung director namin, so natsa-challenge ako kung ano yung ipapagawa sa akin.

“So, malaking bagay iyon para sa akin kasi nakakatulong iyon sa acting skills, e.”

WILLING TO BARE. Dahil sa kanyang matipunong pangangatawan, walang problema kay Lharby kung may mga eksena siyang hubad sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Pakli niya, “Okay lang, trabaho, kung kailangang gawin, di ba?”

Kung may mag-o-offer sa kanya ng underwear endorsement, tatanggapin ba niya?

Aniya, “Siyempre paghahandaan ko 'yan.

“Tatanggapin ko 'yan, bakit hindi?

‘Kasi siyempre malaking opportunity 'yan for me and sayang naman, di ba? Na may regrets ka after kapag tinanggihan mo. So iyon.”

RESPECT FOR GAYS. May nanligaw na ba sa kanyang bading?

Pag-amin niya, “Siguro may mga nararamdaman ako na baka may gusto.

“Pero dahil siguro nice ako sa kanila nagiging nice din naman sila sa akin.

“Kumbaga, may respeto sila kahit papaano sa akin kasi ganun naman, e.

“Kapag mabuti ka sa isang tao, talagang susuklian ka niya ng kabutihan din.

“Hindi ka niya babastusin.”

Wala pang deretsahang nanligaw sa kanya na gay.

Ani Lharby, “Wala namang exactly na talagang sinabing, ‘Uy, gusto kita!’

“Wala naman.”

Nakatanggap na ba siya ng indecent proposals?

Kuwento niya, “May mga ganun na din pero hindi ko pinapansin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga messages e, hindi ko binabasa , sa Facebook, sa Instagram.”

Ano ang sinasabi? Inaalok ba siya ng kotse o pera?

“Mga ganun, pera.

“Pero siyempre ano na yun, e... yung mga account kasi mga dummy accounts lang.

“Hindi ko pinapansin,” pagtatapos niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN