Heart Evangelista excited to work with Carla Abellana, Dennis Trillo for Mulawin reboot

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista on working with Carla Abellana: "Of course, I'm excited! It's always nice to work with friends. It makes the work easier, the long hours, as well."



Balik-telefantasya ang GMA-7 actress na si Heart Evangelista ngayon 2017 dahil kumpirmadong kasama ito sa cast ng upcoming reboot ng Mulawin vs Ravena.

Nitong February 9, unang ibinalita ni Heart sa kanyang social media accounts ang kanyang "paglipad" sa Mulawin

Read: Will Heart Evangelista be part of Mulawin vs. Ravena?


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa exhibit ng Philux Furniture sa SM Mega Fashion Hall nitong February 23, at dito tinanong ang aktres kung anong role ang kanyang gagampanan sa Kapuso telefantasya.

Sagot ni Heart, "I still can't reveal but it's a comeback. It's a comeback of a famous character so medyo surprise siya kung sino."

Isa rin sa inaasahang magbibida sa primetime series na ito ay ang kapwa Kapuso star niya na si Carla Abellana. Ayon kay Heart, siguradong madali lang ang kanilang magiging trabaho lalo't kaibigan nitong maituturing si Carla.

"Of course, I'm excited! It's always nice to work with friends. It makes the work easier, the long hours, as well."

A post shared by HRSS (@hrss14) on


Kasama rin sa Mulawin reboot si Dennis Trillo na nakapareha ni Heart sa huling primetime drama nito.

"We're very at ease with each other especially after Juan Happy Love Story so I'm very excited with him also."

Matagal-tagal ring hindi gumawa ng telefantasya si Heart. Ang huling fantasy series na pinagbidahan nito at ang Dwarfina kung saan kasama niya rin si Dennis.

Sa ngayon, hindi pa raw nakakapag-prepare si Heart sa kanyang role dahil marami siyang ibang bagay na inaasikaso kabilang ang kanyang bagong bahay.

"Actually, I haven't prepared anything. At this point, I'm really busy working on fixing my house and moving, not just for me but for everyone [in my family]. So it's pretty hectic," paliwanag pa ni Heart.

"I think I'm gonna prepare for like two days before taping because that's really all I have."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinigurado naman ng 32-year-old Kapuso actress na matindi nitong pag-aaralan ang kanyang role dahil magkakaroon din siya ng fight scenes.

Aniya, "I think merong mga fight scenes, so definitely I will have to study my role. Biglaan din kasi, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN