Vice Ganda, other hosts react to It's Showtime beating Eat Bulaga based on Kantar ratings

IMAGE Noel Orsal

(L-R) Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Amy Perez, and other It's Showtime hosts grateful for Tawag ng Tanghalan.



Noong nagsimula ang Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime sa ABS-CBN, dito na nagsimulang makabangon ang TV ratings ng Kapamilya noontime show.

Sa pagkakataong ito, unti-unting napukaw muli ang sambayanang Pilipino sa hilig nila sa singing contest at naging daan ito upang mamayagpag ang It’s Showtime sa katanghalian base sa nationwide ratings ng Kantar Media.

Ayon sa Kantar, mas mataas ang TV ratings ng It's Showtime kumpara sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Read: Kantar Nationwide Ratings (January 16-22, 2017): It's Showtime gets higher TV ratings than Eat Bulaga
 

Kahapon, March 7, sa thanksgiving presscon ng programa, nagpahayag si Vice Ganda, Anne Curtis, at ilan pang mga hosts ng noontime show kung gaano kalaki ang naitulong ng nasabing segment sa kanilang programa.

Ano ang reaction nila na nanguna sila sa noontime block ayon sa Kantar Media ratings? 

Ayon kay Vice Ganda, “It’s a big blessing sa Showtime. Ina-acknowledge naman po namin yun. Malaking blessing sa Showtime ang Tawag ng Tanghalan and we are just very, very happy.”

Sinegundahan naman ito ni Amy Perez, na isang taon na rin sa programa. Sabi niya, “Of course gaya nga ng sinabi ni Vice, we are very thankful sa madlang people na sumuporta sa Showtime, sa Tawag ng Tanghalan, malaking blessing siya para sa aming lahat.”




“VERY, VERY THANKFUL.”
Para naman kay Anne, malaking bagay sa programa ang Tawag ng Tanghalan dahil kakaiba siyang klase ng pa-contest.

Saad pa niya, “As everyone said, actually it is a blessing and I think it really complemented Showtime, being from the very start a show that gave contests.

“So, it came at the very right time talaga. So, we are all very, very thankful.”

Para naman kay Karylle, puro daw magagandang feedback ang kanyang naririnig mula sa mga nakapanood ng show.

Sabi pa niya, “Ayoko masyado sa Mathematics, ayoko masyado isipin kung anu man yung numbers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, I’m very thankful kasi ang daming nagsasabi sa akin na nanunood sila. And it’s a very big part of their day.”

ANG HULING TAPATAN. Ipinakilala din sa press ang 10 grand finalists ng Tawag ng Tanghalan.

Simula noong Lunes, March 6, hanggang sa Sabado, March 11, magaganap ang grand finals ng sampung contestants kung saan lima lamang ang makakapasok sa huling tapatan ng kantahan.

Sa Sabado, March 11, na rin ang araw kung saan hihirangin ang grand champion na magkakamit ng P2 million, recording contract, at house and lot.

Kabilang sa mga grand finalists na nais mapabilang sa limang magtatapatan sa Sabado ay sina Maricel Callo, Mary Gidget Dela Llana, Marielle Montellano, Pauline Agupitan, Eumee Capile, Sam Mangubat, Carlmalone Montecido, at Rachelle Gabreza.

Ang dalawang pasok na sa labanan sa Resorts World Manila ay sina Froilan Canlas at Noven Bellaza.


Nag-alay naman ng sayaw sa presscon ang Hashtags at Girltrends, parehong homegrown talents ng Kapamilya noontime show.






Stories We Are Tracking

It's Showtime rates higher than Eat Bulaga, based on Kantar
It's Showtime rates higher than Eat Bulaga, based on Kantar





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN