Meet the 6 grand finalists of It's Showtime's "Huling Tapatan sa Tawag Ng Tanghalan"

IMAGE Noel Orsal

Gaganapin na bukas, March 11, ang grand finals ng Tawag Ng Tanghalan ng It's Showtime. Maglalaban sa titulong kauna-unahang grand champion ng show sina (top row, L-R) Noven Belleza ng Negros, Froilan Canlas ng Camarines Sur, Carlmalone Montecido ng Bacolod, pati sina (bottom row, L-R) Sam Mangubat ng Batangas, Pauline Agupitan ng Batangas, at Marielle Montellano ng Cebu. 



Nakumpleto na ang buong listahan ng grand finalist sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime ngayong araw ng Biyernes, March 10.

Nag-tie sina Marielle Montellano ng Cebu at Pauline Agupitan ng Batangas sa score na 99.40 percent mula sa Hurado’s votes kaya naging anim ang maglalaban-laban sa Huling Tapatan. 

Sina Marielle at Pauline ang nadagdag kina Noven Belleza ng Negros, Froilan Canlas ng Camarines Sur, Carlmalone Montecido ng Bacolod, at Sam Mangubat ng Batangas.

Bukas, March 11, gaganapin ang Huling Tapatan sa Resorts World Manila.

Pero bago pa man ang labanan ng bosesan bukas, anu-anong mga contest na ba ang nasalihan ng anim na grand finalist?

Nitong nakaraang Martes, sa thanksgiving presscon ng It’s Showtime, natanong ng press kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga finalist kung anu-ano na ang mga singing contest na kanilang nasalihan.

SINGING BACKGROUND. Ang unang grand finalist mula sa Negros na si Noven ay aminadong ang Tawag Ng Tanghalan ang kanyang kauna-unahang TV show na sinalihan.


Sa mga school activities at inter-barangay singing contest lang daw ang nasalihan ng magsasaka mula sa Visayas.

Ang guro naman ng Camarines Sur na si Froilan ay mahaba-haba na ang experience pagdating sa kantahan.

Kuwento niya, “In 2005, sumali ako sa Star in a Million [ABS-CBN], si Kris Lawrence ang nanalo.”

Noong 2012, naging grand champion naman siya sa OPM@PAGCOR. Matapos nito ay wala ng ibang sinalihan si teacher Froilan.


Kahit na physically blind, hindi naman naging hadlang ang karamdamang ito ni Carlmalone ng Bacolod upang i-pursige ang kanyang talent sa pagkanta.

Noong 2011, sumali na siya sa unang season ng Pilipinas Got Talent (ABS-CBN) at umabot siya sa semi-finals. Ang Tawag Ng Tanghalan na ang kasunod niyang sinalihan.


Si Marielle naman ng Cebu ay hindi pa nakasali ng contest sa anumang TV station.

Pero, isang local singing contest sa kanyang probinsiya ang kanyang sinalihan noong grade one pa lamang siya, ang Little Big Star Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Dalawang taga-Batangas naman ang nakapasok sa Top 6—sina Pauline mula sa Lipa at si Sam mula sa Sto. Tomas.

Si Pauline ay sumali sa Pilipinas Got Talent noong 2011 sa edad na 11 years old.

Dagdag pa niya, “Sumali rin ako sa Talentadong Pinoy Kids [TV5], taong 2011. 2014 naman The Voice Kids, ako yung unang nag blind audition pero hindi ako nakuha.”


Ang YouTube sensation naman na si Sam ay aminadong ang Tawag Ng Tanghalan ang kanyang unang singing contest na sinalihan.




Sino sa anim na ito ang kauna-unahang magiging grand champion sa Tawag Ng tanghalan ng It’s Showtime at mag-uuwi ng negosyo package, vacation package, recording contract, house and lot, at P2 million prize?

PEPsters, sino sa kanila ang bet niyo na manalo?



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN