Kris Bernal on renewing contract with GMA-7: "Ito yung gusto ng puso ko, kung saan ako kumportable"

IMAGE Ruel Mendoza

Kris Bernal admits feeling challenged with her dual role for her new GMA-7 teleserye, Impostora: "Medyo nagsa-struggle ako doon sa mataray at matapang na character, kasi I'm used to portraying roles na ako yung inaapi, ako yung umiiyak lagi."



Matagal ding hindi nakagawa ng teleserye si Kris Bernal pagkatapos ng Little Nanay, kaya inamin nitong medyo nahirapan siyang gampanan ang dual role sa pinagbibidahan niya ngayon na Impostora sa GMA-7.

Ang Impostora ay remake ng original teleserye ng GMA-7 na ipinalabas noong 2007 at pinagbidahan nina Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Parehong gagampanan ni Kris ang papel na Nimfa at Rosette.

“Sobrang hirap kasi two characters siya, may mataray at may mabait.

“Medyo nagsa-struggle ako doon sa mataray at matapang na character, kasi I'm used to portraying roles na ako yung inaapi, ako yung umiiyak lagi.

“Ngayon medyo nahihirapan ako.

“Yun ang pinag-aaralan ko, kung paano ba maging matapang at maging bad girl,” pahayag ni Kris sa contract signing niya sa GMA Network Center.

Isa pa raw challenging sa pagganap niya sa Impostora ay ang prosthetics na ginagamit sa kanya para sa papel niya bilang si Nimfa.

“Medyo mahirap din, kasi nagsusuot ako ng prosthetics on my face the whole day.

“Yung skin ko medyo nai-irritate na sa prosthetics at pawis, pero lahat naman worth it, kasi ang ganda ng story at supportive naman ang cast,” ngiti pa niya.

STILL A KAPUSO. Kakapirma lang ng exclusive contract si Kris sa GMA-7 at nagpapasalamat siya sa mga magagandang projects na naka-lineup para sa kanya.

Aniya, “Ito yung gusto ng puso ko, kung saan ako kumportable, where I feel complete, where I’m satisfied and contented.

"I’m very thankful na nandito pa rin ako at binigyan ulit ako ng chance.

“Masaya ako dahil ang ganda-ganda ng project na binigay nila sa akin, tulad nga nitong Impostora.

“Dito talaga ako mahahasa at maggu-grow.

“Ito na siguro yung pinaka-challenging character para sa akin.

“Sobrang hirap din nung sa Little Nanay, pero at least dun, isa lang ang role ko.

“Dito kasi sa Impostora, pabagu-bago ako, hindi lang sa acting, sa pananamit din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May prosthetics pa ako and iba’t ibang makeup at look,” pagtatapos ni Kris.

Matatawag na isang homegrown talent ng GMA-7 si Kris dahil produkto siya ng reality artista-search na StarStruck 4 kunsaan napanalunan niya ang title na Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero.

Ang mga naging ka-batch ni Kris ay sina Aljur Abrenica (Ultimate Hunk), Jewel Mische (Ultimate Sweetheart), Prince Stefan, Rich Asuncion, Paulo Avelino, Chariz Solomon, Stef Prescott at Jan Manual.

Sa sampung taon na naging Kapuso si Kris, nabigyan siya ng mga magagandang roles sa mga teleserye tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin, All My Life, The Last Prince, Hiram Na Puso, Koreana, Time of My Life, Prinsesa Ng Buhay Ko, Hiram Na Alaala at Little Nanay.

Bukod sa kanyang teleserye, busy rin si Kris sa kanyang food business na Meat Kris.

Handa na akong maging #Impostora ???????? Soon on GMA Afternoon Prime! #KBDiary2017 #LifeOnLocation

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal) on







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN