Sofia Andres on past delay of Pusong Ligaw: "Nawalan ba ako ng pag-asa? Konti..."

IMAGE @iamsofiaandres on Instagram

Sofia Andres feels thankful for starring role in Pusong Ligaw: "There was a time talaga na ang lungkut-lungkot na namin. 'Ano ba ito? Ano na ba?' Parang, bakit hindi siya natutuloy? Nawalan ba ako ng pag-asa? Konti, pero may tiwala naman ako sa sarili ko kung ano ang kaya kong gawin."


Aminado si Sofia Andres na dumating siya sa punto na nakaramdam siya ng kaunting kawalan ng pag-asa kung matutuloy pa ba ang pagpalabas ng ABS-CBN teleserye na Pusong Ligaw.

Ito ang magsisilbing launching project ng tambalan nila ng aktor na si Diego Loyzaga.

Binahagi ito ni Sofia sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang presscon ng Pusong Ligaw noong April 19 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

“There was a time talaga na ang lungkut-lungkot na namin. 'Ano ba ito? Ano na ba?'

“Parang, bakit hindi siya natutuloy?

“Nawalan ba ako ng pag-asa? Konti, pero may tiwala naman ako sa sarili ko kung ano ang kaya kong gawin.

“Prayers malaking tulong talaga, sobra."

THANKFUL. Ngayong tuluy-tuloy na ang pag-ere ng pinagbibidahang afternoon series na magsisimula ngayong Lunes, April 24, sa ABS-CBN, labis na nagpapasalamat si Sofia sa tiwalang ibinigay sa kanila ng Kapamilya network, pati na rin sa mga positibong feedback mula sa nakapanood ng trailer ng Pusong Ligaw.

Dagdag niya, “Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN, sa Star Creatives, at Star Magic, kasi dun kami nagsimula.

“Binigyan kami ng tiwalang gawin itong proyekto na ito na matagal na naming hinihintay.

“Actually, nagbabasa nga ako ng mga comments, kasi siyempre gusto ko tutok ako sa trailer pa lang pero wala akong nabasang negative.

“Dun pa lang super happy na ako. Sana pag pinalabas siya, mas tanggapin siya ng mga tao.

“Mas dun namin na malalaman na, “Ah, deserve namin ang project na ito.'”

ROLE. Nagbigay din ng detalye ang aktres tungkol sa magiging role niya sa teleserye.

“Ako si Vida. Pangarap ko na maging fashion designer.

“E, yung mommy ko, gusto niya ako na maging isang sikat na super model.

“Mas close ako sa daddy ko na iniwan ako.

“Naglayas ako ng bahay, nagrebelde ako, gusto kong mamuhay mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naghanap ako ng apartment, dun ko nakilala si Diego as Potpot.”

BASHERS. Ngayong pinu-push na ng ABS CBN ang tambalang Sofiego o Sofia-Diego, nakakatanggap na rin pala sila ng pamba-bash mula sa fans ng ibang loveteam na binabalewala na lang ng aktres.

Pag-amin ni Sofia, “Ayoko namang simulan sa negative, may mga bashers.

“Dedma na lang.

"Nagsimula naman kami as third wheel.

“Wala, ganun naman talaga sa showbiz. That’s normal.”

REAL SCORE WITH DIEGO. Nang tanungin namin kung ano ba talaga ang totoong estado ng relasyon nila ni Diego, siniguro lang sa amin ng aktres na hindi niya sisirain ang oportunidad na pinagkatiwala sa kanila.

Lahad niya, “Matagal namin itong hinintay. Bakit namin sasayangin?

“Si Diego naman kasi never naman talaga siyang nawala.

“Lahat ng challenges na napagdaanan namin na two years nga na yun, thankful pa rin ako na nandiyan pa rin siya.

“Never pa rin siyang sumusuko na pag alam niya na medyo mahina ako, kasi sobrang kilala niya ako.

“Masarap sa feeling na may ganung tao sa buhay natin.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN