Former ABS-CBN talent Manuel Chua joins GMA-7 show D'Originals

IMAGE Mark Atienza

Manuel Chua, the newest cast member of GMA-7's D'Originals, says he is still a Star Magic talent.



Isang Kapamilya ang may show na ngayon sa Kapuso Network.

Produkto ng Pinoy Fear Factor (2008) ng ABS-CBN si Manuel Chua at ngayong 2017 ay cast member na siya ng D’Originals ng GMA-7.

“Actually hanggang ngayon Star Magic ang nagma-manage ng schedules ko, Star Magic pa rin po pero in-allow nila akong mag-freelance sa GMA,” pahayag ni Manuel ng nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng D’Originals sa GMA Network Center noong May 6.

Unang show ni Manuel ang D’Originals sa GMA-7.

“Sobrang thankful and happy po ako, ipinagpaalam ko, pumayag.”

Nagulat ba siya na kinuha siya ng GMA kahit na taga-ABS-CBN siya?

“Nung una po, parang in doubt ako kung matutuloy na kuhanin ako. Pero nung ipinagpaalam ko naman, inihingi lang po ng consent, in-allow naman so happy na nakatawid.”

Wala ng kontrata si Manuel sa ABS-CBN, matagal na raw itong natapos.

“Kumbaga non-contract artist po nila ako.

“Hanggang ngayon po sila pa rin ang nagma-manage ng skeds [schedules]. Until now po ang handler ko Star Magic. Actually ang Star Magic po maraming non-contract artists, na nandun sa loob na nagtatrabaho pa rin na ang nag-aayos, Star Magic pa rin.”

Hindi ba siya nagtaka o nagtanong kung bakit hindi na ni-renew ng ABS-CBN ang kontrata niya?

“Hindi naman po, hindi po ako masyadong matanong about dun sa ano po. Basta ako po may trabaho, push lang.”

Happy si Manuel na unang sabak niya sa GMA ay boyfriend ni Katrina Halili ang papel niya.

“Sobrang okay nga po kaya sobrang happy na nakatawid ako dito, e.

“Kumbaga nag-open po sa akin ng bagong door para sa career ko kaya sobrang thankful po.”

Hunky ang katawan ni Manuel kaya may mag eksena siya sa D’Originals na nakahubad siya.

“Hindi naman po lagi pero meron po.”

Nakahubad siya sa love scene nila ni Katrina sa show, kaya nasabi namin na masuwerte siya dahil pantasya ng mga kalalakihan si Katrina.

“Super po!”

Nahirapan ba siyang mag-control ng sarili sa love scene nila ni Katrina?

“Medyo nakaka-distract po lalo na nung first day, kahit naman po hindi love scene yung first day na nag-eksena kami ni Ms. Katrina Halili medyo kinakabahan ako,” at tila nahihiyang tumawa si Manuel.

May kissing scene sila ni Katrina bukod sa love scene.

“Buti po pumayag siya,” at muling tumawa si Manuel. “Pero konti lang po, kasi po panghapon yung show kaya konting-konti lang po na siguro pang-ano sa audience natin.

”Sobrang very light na halikan lang po siya.

”Sa amin naman po trabaho lang yun.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN