Maine Mendoza believes, "Feeling ko, hindi talaga ako para rito, sa serye."

Get a sneak peek of Maine Mendoza in a wedding gown for the May 26 finale of Destined To Be Yours.



Magwawakas na ang primetime series na Destined to Be Yours, ang kauna-unahang teleserye na pinagbidahan ng AlDub loveteam nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Ito rin ang kauna-unahang teleserye na ginawa ni Maine sa loob ng dalawang taon niya sa showbiz bilang isang phenomenal star.

At sa pagtatapos nga nito bukas, May 26, tinanong namin si Maine kung kumusta siya sa first teleserye niya.

"Okay naman po yung first teleserye experience ko," nakangiting pahayag ni Maine.

Pero natatawang dugtong niya, "Pero feeling ko, hindi talaga ako para rito, sa serye."

Alam nga namin na may pagka-reluctant talaga si Maine una pa lang na gumawa ng teleserye. Pero sa rami ng demand, lalo na ng mga fans nila ni Alden, ay sinubukan niya ito sa pamamagitan nga ng Destined to be Yours.

"Yes po, noong una po, ayoko talaga. Pero sabi nga nila, para ma-experience ko kung gusto ko ba o hindi. After naman po ng nangyari, parang gitna pa rin ako," natawa niyang pag-amin.

Ang dahilan ni Maine, sa kabila ng maraming pumuri sa ipinakita niyang pagganap sa karakter ni Sinag sa DTBY, tingin daw kasi niya ay hindi pa rin niya nakikita ang sarili bilang isang aktres.

"Parang mas gusto ko pong i-hone yung hosting ko instead po sa acting. Pero siyempre, iba pa rin naman po kapag nag-try ka ng ibang field dito sa showbiz.

"Pero malay rin naman po natin, eventually."

Hindi naman daw makakalimutan ni Maine ang kauna-unahan niyang teleserye dahil marami raw itong maiiwang magandang memories sa kanya.

Sabi nga niya, "Siguro po, the only consolation na lang po ay yung improvement ko po as an actress. Kasi nakita rin po ng iba, mula sa Imagine You & Me, mula po sa movie na ginawa namin ni Alden, kahit paano, nag-improve naman po ako and yun na lang po ang thankful po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "At sa cast po, sobrang nag-enjoy po ako sa kanila.

"May mga friendship na nga pong nabuo and sobrang thankful ako dahil nakilala ko sila. Parang lumaki rin ang circle ko kahit paano sa showbiz.

"Yun po siguro ang isa sa mamimiss ko ngayong tapos na."

Ngayong finale episode na nga bukas ng Destined to Be Yours, looking forward na raw si Maine sa kahit ilang linggong bakasyon niya.

"Hindi ko pa po alam kung saan, pero sana po makapagbakasyon talaga ng out-of-the-country po," nakangiti niyang sabi.

Hindi pa raw sila nauupo para sa pinakabagong pelikulang gagawin nila ni Alden, pero ayon kay Maine, excited na raw siya sa susunod nilang movie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine sa isang proyekto na ginawa niya na dapat abangan, lalo na ng mga tagahanga niya sa susunod na mga araw.


SNEAK PEEK OF WEDDING. Sa social media, naging viral ang mga photos ni Maine Mendoza kunsaan suot niya ang wedding gown at carriage na gagamitin para sa finale episode ng Destined To Be Yours.









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN