Why was Migo Adecer's character suddenly removed from Encantadia?

IMAGE Noel Orsal

"Ang mga fans ko ang nalungkot when my role as Anthony suddenly disappeared from Encantandia," recalls Migo Adecer.



Hindi sumama ang loob ng StarStruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer noong biglang mawala sa telefantasya na Encantadia ng GMA-7 ang character niyang si Anthony.

Sa original story ng Encantadia, hanggang sa ending ay buhay ang character na Anthony na noon ay ginampanan ni Mark Herras.

Pero in-explain kay Migo ni Direk Mark Reyes na maiiba na ang takbo ng kuwento ng Encantadia at ang Anthony character ay hindi na magtatagal sa istorya.

“Actually, ang mga fans ko ang nalungkot when my role as Anthony suddenly disappeared from Encantandia.

“They were the ones who were disaapointed kasi pinapanood daw nila yung show because of my team-up with Mikee Quintos who plays Lira.

“But it’s okay because Direk Mark explained it to me and I have no problem with that.

“Ang maganda is that nag-start agad ako mag-taping for My Love From The Star.

“Kaya hindi rin ako nawalan ng work kasi may sunod na work na binigay sa akin after Encantadia,” pahayag pa ni Migo nang makapanayam namin siya sa press launch ng My Love From The Star sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Natuwa pa si Migo dahil nagkaroon siya ng chance na makatrabaho si Jennylyn na isa sa mga judges ng StarStruck 6.

“It’s an honor for me to be working with the very first Ultimate Female Survivor of StarStruck.

“In the teleserye [MLFTS], ako yung pasaway na kapatid ni Jennylyn. Yung parating problema niya and rebel ako dito.

“Most of my scenes are with her kasi parati kaming nag-aaway dito.

“Jen is such a nice person and now I know why she’s a survivor and the ultimate star ng Kapuso network.

“You can see how genuinely nice she is to everybody. Kapag may fans, she really goes out of her way to talk with them and take selfies with them.

“Hindi siya selfish na tao and she’s such a wonderful person inside and out,” ngiti pa ni Migo.

Mas maayos na raw ang pagta-Tagalog ni Migo kaya bukod sa teleserye, nagawa na niyang mag-record ng kanyang unang album sa ilalim ng GMA Records.

Pino-promote ito ni Migo kapag may mga mall shows ang GMA Artist Center.

“Finally, my dream to have my own album is coming true.

“We will come out with my first single soon. We are choosing from four songs.

“Gusto nila yung madaling ma-memorize at makanta ng mga fans.

“I hope they will support my album when it comes out na,” pakiusap pa ni Migo Adecer.




Stories We Are Tracking

Glydel Mercado channels Annabelle Rama for stage-mom role
Glydel Mercado channels Annabelle Rama for stage-mom role
Differences of My Love From The Star PH from Korean version
Differences of My Love From The Star PH from Korean version



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN