Kris Bernal on Impostora love scenes: "Mas magaling si Ryan Eigenmann pero mas yummy si Rafael Rosell!"

IMAGE Bernie Franco

In Impostora, Kris Bernal is paired with Rafael Rosell (left) and Ryan Eigenmann.



At least six love scenes ang ginawa ni Kris Bernal para sa remake ng GMA-7 teleserye na Impostora.

Gagampanan ni Kris Bernal ang roles na unang binigyang buhay nina Iza Calzado at Sunshine Dizon sa original 2007 draa series.

Ani Kris, "Ang Impostora kasi marami talaga siyang love scenes. Marami kasi, hindi lang isa.

"Oo naman awkward sa akin. Pero added image [ang pagiging sexy], gagawin ko na lang."

Gaano siya ka-daring sa Impostora na nasa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan?

"Very matapang ang character kasi ngayon lang ako nagkaroon ng character na kailangan magaling mag-smoke.

"[Iniisip ko], 'Paano ko ba gagawin ito?'"

Sino naman sa dalawang leading men niya ang mas magaling pagdating sa love scene?

"Mas magaling si Ryan Eigenmann pero mas yummy si Rafael Rosell!"

Ano ang binago sa 2017 version ang Impostora?

“Ang Impostora, iba yung kuwento niya, itong bagong Impostora aside dun sa naka-prosthetics yung isa, meron ding binago sa kuwento, sa kuwento ng pamilya.

“So ngayon mas ano siguro siya, mas madrama, at the same time mas focused on family and relationship ng mag-asawa.”

Parang totoo ang prosthetics na ikinakabit sa mukha ni Kris tuwing taping; inaabot ng dalawang oras ang paglalagay nito sa mukha ni Kris.

“Kinakabit at tanggal dalawang oras,” saad pa ng Kapuso actress.

Itinanggi naman ni Kris ang tsikang naiinip o naiinis na siya dahil nade-delay ang airing ng Impostora; noon kasi ay napabalitang ang show niya ang papalit sa Ika-6 na Utos.

Pero dahil sa phenomenal ratings ng Ika-6 Na Utos ay tila matagal pa bago ito matatapos sa ere. Sa katunayan nga ay ipinapalabas rin ang Ika-6 Na Utos tuwing Sabado sa GMA-7.

“Huy, hindi ah! Hindi ako naiinis. Hindi ako naiinis, sa totoo lang okay lang sa akin kasi at least mas mahaba yung time namin to prepare.

“Since dalawa kasi ang ginagawa kong characters, mas mahirap sa set, sa taping, dahil inuulit-ulit namin. Ang isang eksena tumatagal ng more than an hour so at least ngayon may nakabangko kami."

Dahil dual role si Kris sa Impostora, doble rin ang effort niya para sa show.

“Kumbaga pinag-aralan ko talaga siya, inupuan ko siya, sinulat ko yung differences nung dalawang characters, para makita talaga yung pagkakaiba.

“And nag-workshop din ako, ang dami kong pinanoood na mga movies para bigyan ko ng nuances or iyong isa iba yung manners, yung isa ganito, iba yung lakad nung isa, iba yung pag-upo.

“Yung ganun, ganun ka-very specific and detailed ko ginawa yung differences nung characters, si Nimfa at saka si Rosette.

“Si Nimfa yung pinanganak na hindi kagandahan then nag-transform siya yung naging Impostora ni Rosette.”

Pinanood daw ni Kris ang dating teleserye na Impostora nina Iza Calzado at Sunshine Dizon.

“Kasi kailangan kong kunin somehow, medyo similar din kasi yung story pero of course ito medyo modern na rin kasi ito, e. Siyempre ilang years na rin yung dumaan, di ba?

“So pinanood ko siya and ang galing-galing nilang dalawa, e!

“Mas gusto ko yung character ni Nimfa pero mas challenging yung role ni Rosette. Kasi si Rosette yung kontrabida. E, hindi naman ako sanay magkontrabida, di ba?

“At si Rosette kasi very elegant, very sophisticated e iyon naman yung mga roles na ngayon ko lang nakukuha kasi lagi naman akong mahirap, lagi akong api-apihan,” at tumawa si Kris.

“So si Rosette talaga yung medyo challenging talaga for me.

“And iyon nga, dahil siya yung kontrabida, nananakit din ako ng ibang characters so iyon naman yung hindi ko rin ginagawa dati, di ba?

“Pero yung karamihan din naman ng scenes ko, sarili ko lang din yung sinasaktan ko.”

Dahil ang sinasaktan nga ni Rosette ay si Nimfa na parehong si Kris ang gumaganap.

“Ang hirap umarte na magkabilaan kasi ginawa namin siya ng wala akong kausap talaga, wala akong double so hangin lang yung kausap ko, wala akong nakukuhang emotions pabalik.”

Ibinase rin ang teleserye sa pelikula dati ni Alice Dixson noong 1994 na Sa Isang Sulok Ng Mga Pangarap.

“Mas doon e, kasi even yung mga names and even yung sequencing ng story halos doon na ipinattern.”

Kasama rin sa Impostora sina Assunta de Rossi, Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Sinon Loresca, at Aicelle Santos.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN