Louie Heredia reunites with his Lunch Date co-hosts after 24 years

IMAGE Louie Heredia Instagram

Louie Heredia and his songs will take centre stage on ASAP this Sunday, and he is grateful for the tribute: "I'm touched, honored." He is also thankful to Alden Richards and Richard Yap for reviving his songs.



Kamakailan ay nagkaroon ng reunion ang hosts ng ng Lunch Date na kinabibilangan nina Louie Heredia, Toni Rose Gayda, Tina Revilla, Lito Pimentel, Jon Santos, at si Randy Santiago.

Ang Lunch Date ay ang dating noontime variety show ng GMA Network, na tumagal ng halos pitong taon simula nang umere ito noong 1986.



Sa kanyang Instagram account ay pinost ni Louie ang photo sa kanilang reunion at nilagay niya sa caption: "LUNCHDATE Reunion after 24 years! #friendsforever #reunion #ninyosqc #happiness"

Kuwento ni Louie tungkol sa kanilang reunion, “Ang saya, very nice! Ang sarap.

“They didn’t stop thanking me for organizing it talaga kasi talagang pinursige ko talaga hanggang matuloy, e.

“It was hard to get everybody together, ha? Kasi busy yung mga schedule nila.

“Randy has this, Tina has her own life, she has a family, Toni also is… everybody.

“Lito Pimentel has shooting, ang daming teleserye; Jon Santos is also very busy.

“So, finally, we were able to find a day na talagang puwede lahat.”

Nagsimula bilang mang-aawit noong 1985 si Louie at ang pinakauna niyang hit ay ang kantang “Can Find No Reason.”

Isang malaking hit rin ang album niya na Una At Huling Mamahalin.

Samantala, sa Linggo, June 11, ay bibigyan si Louie ng tribute ng ASAP sa ABS-CBN kung saan aawitin ng mga Kapamilya stars ang kanyang mga songs.

“Matagal na ito, of course I’m touched, honored,” lahad niya.


SONG REVIVALS. Kamakailan lamang ay ni-revive ni Alden Richards ang kanta ni Louie na “Can Find No Reason.”

“Yeah, wow, wow! I was very touched … for him to choose my song out of the millions of OPM songs, it was very touching.

“I’m very grateful, Alden!”

Para na rin naging theme song ni Alden ang kanta ni Louie dahil madalas niya itong awitin sa mga shows niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito rin ang serenade song ni Alden sa mga beauty contestants.

“At nakita ko sa YouTube, ha, ang dami!” bulalas pa ni Louie.

Hindi pa raw nakikilala ng personal ni Louie si Alden.

At hindi naman raw kailangang magpaalam kay Louie kapag nire-revive ang kanta niya.

Paliwanag niya, “No, we don’t own naman the song, it’s owned by the recording company and the composer.

“But, remember, when the song becomes a hit ang sumisikat yung singer.”

Kinakanta rin daw ni Jed Madela and “Can Find No Reason” at ni-revive rin daw ito ni Richard Yap.

Ayon kay Louie, “And the touching part about Richard Yap is, it was his choice, his personal favourite.

“I actually texted Deo Endrinal to tell Richard Yap thank you very much for reviving it.”

Si Sarah Geronimo ay may kanya ring rendition ng isa pang kanta ni Louie na “Nag-iisang Ikaw.”


ERIK SANTOS FAN. Ang pinakahinahangan daw ni Louie sa lahat ng mga male singers ngayon at favorite niya ay si Erik Santos.

“Talagang, wow, hanep sa boses… I always call him Superstar,” kuwento niya.

“Nagagalit siya, ‘Huwag, Kuya, huwag superstar, huwag please! Huwag, huwag.’

“So pinalitan ko ang name niya, SIAM na ang pangalan niya sa akin, SIAM… Star In A Million!”

Sa naturang singing contest kasi nanalo at nadiskubre si Erik noong 2003.

Ano naman ang masasabi ni Louie sa kaliwa’t-kanang singing contests at talent search sa telebisyon?

“The competition is definitely much harder now kasi ang dami na talagang magagaling.

“But I’m happy, at least for those who never had the chance or never had the venue to become a star.

“Yung talent nila, nakikita na ngayon because of all these contests.”  

Ano naman sa palagay ni Louie ang malaking pagkakaiba ng mga singers noon at ngayon?

Tugon niya, “The advantage of the singers of today is, because of social media ang bilis nilang makilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero because of social media, ang daming lumalabas na magagaling… at mabilis din silang mawala.

“Kasi ang competition is palit-palit, di ba? Ang bilis, ang bilis mapalitan.

“During our time parang tumatagal talaga yung pagka-star namin.

“Walang social media, plaka pa noon, CDs, so talagang pag bumenta, benta talaga!

“Talagang we had our own original hits, ang dami naming original hits.

“Hanggang ngayon, mga kanta namin yung nire-revive.

“So maski mawala ako, andun pa rin ako kasi andun pa rin yung songs  ko.

“Sa karaoke,and they’re being played on the radio up until now.

“So back again, when you have a hit song, you’re back in the groove na naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN