Carla Abellana smitten by Davao's rustic charm

Carla Abellana admits being smitten by Davao's beauty during their short stay for the taping of their I Heart Davao TV series: "We shot I Heart Davao in the beautiful province of Davao. Mga 17 days din kami doon nag-shoot at nakakamangha ang ganda ng Davao. Para kang nasa ibang bansa in Asia. Ang linis, walang pollution and you feel very safe."

 


Huling nagkasama sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa teleserye na My Destiny noong 2014.

Pero sulit naman daw ang paghihintay ng mga gustong magtambal sila ulit, dahil sa dalawang shows pa sila napanood ang kanilang favorite love team.

Una dito ang telefantasya na Mulawin Vs. Ravena, at ang pangalawa ay sa nalalapit na bagong rom-com teleserye ng GMA Public Affairs na I Heart Davao.

“We shot I Heart Davao in the beautiful province of Davao.

“Mga 17 days din kami doon nag-shoot at nakakamangha ang ganda ng Davao.

“Para kang nasa ibang bansa in Asia.

“Ang linis, walang pollution and you feel very safe.

“Very light and kuwento ng I Heart Davao at hindi masyadong mabigat.

“May mga kilig moments kami ni Tom dito na na-miss ng mga fans na matagal na kaming kinukulit na gumawa kami ng teleserye together,” kuwento pa ni Carla nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng I Heart Davao sa GMA Network Center noong nakaraang June 8.

TOM'S EARLY EXIT FROM MULAWIN. Nanghinayang lang si Carla dahil namatay na ang character ni Tom sa Mulawin Vs. Ravena.

“Para kasing ang hirap ibalik ng role ni Tom sa Mulawin Vs. Ravena.

“Kasi machine gun ang ginamit sa kanya. So napuruhan talaga siya.

“Parang ang hirap yatang isipin na buhay pa siya after that.

“But we don’t know what will happen, di ba? It’s a teleserye and anything can happen.

“Kaya mabuti at meron kaming I Heart Davao that will air on June 26,” ngiti pa ni Carla.

SMITTEN BY DAVAO. Sa muling pagsasama nila, mas makulit daw silang dalawa na akma raw sa story na ginawa nila for I Heart Davao.

“May mga eksena kami na nag-aasaran kami. kasi Manila Girl ako at taga-Davao siya.

“Marami ang makaka-relate sa mga scenes namin dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But they will mostly love the serye because of the beauty of Davao.

“Marami pang kailangan i-explore sa Davao and ako mismo, gusto kong bumalik and do that exploring with friends.

“And the Dabawenyos are so nice and warm.

“Hindi kami na-homesick kasi maasikaso sila and they make sure that we feel at home sa lugar nila,” pagpapasalamat ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN