Did GMA-7 produce I Heart Davao to please President Duterte?

IMAGE Noel Orsal

I Heart Davao will feature the bittersweet love affair between Hope (Carla Abellana), Ponce (Tom Rodriguez, right), and Paul (Benjamin Alves) set in the picturesque province of Davao. 



“Bittersweet” love story ang matutunghayan sa bagong primetime series ng GMA-7 na I Heart Davao.

Sa produksiyong pinamahalaan ng GMA News and Public Affairs, matutunghayan sa show ang ipinagmamalaking kagandahan ng Davao, ang hometown ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon sa pamunuan ng teleserye, hindi naman daw ito ginawa dahil nanalo si Duterte sa pagka-presidente sa nakaraang halalan.

Ayon pa sa program manager ng show na si Patty Gutierrez, “Wala naman po kaming kinikilingan, serbisyong totoo lamang.

"Ang amin po, gusto po naming makuha ang Mindanao at Visayas viewers kaya po namin ginagawa ito.

“Kapag ito po ay nagtagumpay, magustuhan po ng taga-Mindanao lalung-lalo na ng taga Mega-Manila, we are hoping to do more projects featuring other regions in the Philippines kasi napakaganda po talaga ng Pilipinas, e.

“Gusto po naming makita ito lahat ng mga Pilipino bilang serbisyo na rin sa ating bayan.”

Ang I Heart Davao ay mapapanood simula Lunes, June 26, sa timeslot na babakantehin ng Meant To Be na magtatapos na bukas, June 23.

THE PREMISE. Ayon sa bida ng palabas na si Carla Abellana, hindi lang daw sa magagandang tanawin naka-angkla ang ganda ng I Heart Davao, kundi sa kabuuang aspeto ng show.

Saad pa ng Kapuso actress, “Yung story, yung premise maganda din.

"Although hindi naman ‘yan  spectacular kasi you’ve seen naman other stories ng mga may heart transplant, pero yung premise maganda pati yung twist din na nag-meet yung characters namin not knowing that we have something in common.

"Na yung girlfriend niya pala, napunta sa akin yung puso.”

Si Carla ay gaganap sa character Hope, isang heart transplant survivor na umuwi ng Davao upang i-manage ang chocolate business ng pamilya.

Makikilala niya sa kanyang pagbabalik-probinsiya ang isang negosyante din sa larangan ng tsokolate na si Ponce, na gagampanan ng real life boyfriend niyang si Tom Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging business-partner ang dalawa ngunit kontra-pelo sila sa isa’t-isa pagdating sa pamamahala ng kanilang negosyo.

Hindi rin alam ni Tom na ang puso ng kanyang ex-girlfriend na namatay ay napunta kay Carla.

Saad naman ni Tom, “Parang serendipitous.”

Dagdag pa ni Carla, “Tapos makikita natin, nakakaapekto ba yun? Kung may lukso ng puso.”

Magkikita rin silang muli ng kanyang kababatang negosyante na din na si Paul, na gagampanan naman ni Benjamin Alves.

Kuwento ni Benjamin, “It’s always good na may friction. In a soap you need it, na may magiging obstacle sa pagkakabuo ng loveteam nina Tom and Carla sa show.”

Eighty percent ng show ay kukunan sa magagandang lugar sa Davao kung saan tatlong linggong namalagi ang cast ng show upang mag-taping sa kanilang pilot week episodes.

Kasama rin sa show sina Betong Sumaya, Maey Bautista, Ricardo Cepeda, Glenda Garcia, Raquel Villavicencio, Joel Saracho, Geraldine Villamil, Natileigh Sitoy, Kevin Sagra, Philip Lazaro, at Catherine Rem. Ito ay sa panulat ni Chris Martinez sa ilalim ng direksiyon ni Marlon Rivera.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN