Sunshine Dizon recalls how she helped Angelika dela Cruz join Ika-6 Na Utos

IMAGE Noel Orsal

Despite her endorsement of good friend Angelika dela Cruz as a cast member of Ika-6 Na Utos, Sunshine Dizon clarifies that she doesn't meddle with the production team's decision-making processes: "You know, I have a relationship with them. Once in a while, we get to sit down and talk. Parang brainstorming."



Hindi lamang magkaibigan sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz.

Magkapatid din sila sa management dahil pareho silang PPL Entertainment, Inc. artists.

Marami ang natuwa sa mga tagisan nila ng husay sa pag-arte sa tuwing magkaeksena sila sa mga dati nilang proyektong pinagbidahan.

Siguradong marami sa kanilang fans ang matutuwa dahil sa muli nilang pagsasama ngayon sa top-rating afternoon prime teleserye na Ika-6 Na Utos.

TIMELY REUNION? Ang siste, si Sunshine raw mismo ang tumawag kay Angelika na tanggapin nito ang alok ng production crew na maging bahagi na ng Ika-6 Na Utos.

Tinanong namin siya kung totoo nga ba ang mga haka-hakang ito.

Kuwento niya, “Actually kasi, I sat down with our creative team, we had dinner once and we were talking about where the story will go nga.

“They we’re thinking of parang adding another character, parang added flavour sa story.

“Hindi pa rin kasi nata-touch yung ganung side na roots ni Georgia.

“Hindi siya katulad ni Emma na may nanay, may kapatid.

“Kumbaga, na-touch lang yung story ni Emma, pero konti lang.

“Hindi pa siya na-elaborate nang husto.

“So when we were talking about it, I suggested also some people.

“So yun nga, I said, 'Why don’t we try Angelika?'

“Marami rin namang ibang pangalan pero hindi ko na sasabihin.

“Angelika’s name came up then.

“We did a lot of shows together from before and hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero lahat naman ng shows na ginawa namin together did well.”

Parang reunion nga raw nilang muli ni Angelika ang Ika-6 Na Utos ngayon dahil ang huli nilang pagsasama ay noon pang 2013, sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin.

Ayon pa kay Sunshine, “Oo nga, we were together in Mundo Mo’y Akin.

“Yun nga, na-excite rin ang mga writers with the idea of putting Angelika in.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXTENDED RUN? Ilang buwan na lang at mag-iisang taon na rin na ginagawa ni Sunshine ang Ika-6 Na Utos na maituturing na pinaka-matagumpay na afternoon prime ngayon ng Kapuso network.

At dahil nga sa high ratings nito ay anim na beses na sa isang linggo ito napapanood.

Katulad na rin ba siya ng ibang artista na kahit paano ay “nakikialam” na rin sa creative side ng serye?

Pagklaro ni Sunshine, “Hindi naman sa nakikialam, there’s some suggestion and they’re always open to it naman.

“I’ve worked with RJ Nuevas from way, way back.

“RJ was our writer from Anna KareNina.

“You know, I have a relationship with them.

“Once in a while, we get to sit down and talk. Parang brainstorming, ganyan.

“I asked them what will gonna happen and if there’s anything na maisip kong magandang idagdag, sinasabi ko rin sa kanila.”

Natawang sabi niya, “Hindi naman nakikialam.”

Hindi pa rin naman masagot ni Sunshine kung hanggang kailan pa sila mapapanood.

May nagsasabing aabutin pa sila hanggang umabot na nga ito ng isang taon.

Aniya, “That I don’t know.

“It’s really up to the public.

“Hangga’t gusto pa nila, okay lang naman sa amin.

“As long as we’re doing good with the ratings, okay lang naman sa amin, bakit hindi?”

Hindi ba siya napapagod?

“Hindi naman, I’m really used to working.

“Mas napapagod ako kapag wala akong ginagawa.”

IS RYZA LEAVING THE SHOW? Tinanong na rin namin si Sunshine kung may posibilidad haka-haka na baka raw sa pagpasok ni Angelika sa teleserye, si Ryza Cenon naman ang mawawala dahil halos kasabay naman ito ng paglipat ni Ryza ng ibang management.

Mula sa GMA Artist Center ay pumirma na ito sa VIVA Artists Agency.

Sabi naman ni Sunshine, “That I don’t know. I really can’t say for sure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Only the writers can say that.

“Kasi, sila ang nagsusulat ng istorya, I really don’t know.

“At saka, whatever naman siguro Ryza’s decision, yung pag-change ng management, I think, siguro naman napag-isipan niya ng husto ‘yan at gusto niya ‘yan.

“I guess, wala namang koneksiyon ‘yan.

“Pero yun nga, it’s not up to me, it’s up to the writers kung saan nila dadalhin ultimately ang kuwento.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN