Kim Domingo gets complimented by The Good Teacher co-star Marian Rivera

Is Kim Domingo open to be called as the Pambansang Boobs? "Siguro okay na po sa akin ang matawag na Pantasya ng Bayan," she says with a laugh.



Nai-launch na ni Kim Domingo ang kanyang proyekto with Summit Books titled Kim Domingo: State of Undress.

Sa pocket interview with Kim Domingo ay natanong kung siya na ba ang may hawak ng titulong Pangbansang Boobs ng showbiz industry.

"Ha? Ano po? Hahaha! Wala wala naman po ...ang alam ko lang po ang tinagurian lang po sa akin ay pantasya ng bayan. Hahaha!” natatawa niyang sagot.

Ayaw ba niyang matawag na Pambansang Boobs?

“Siguro okay na po sa akin ang matawag na Pantasya ng Bayan. Hahaha!”

Ang boobs mo ba ay pinaretoke?

“Ahhh, bahala na po silang mag-isip. Hahaha!”

Kumusta naman ang lovelife mo, are you taken na ba?

“Ahhh, happy naman po ako ngayon. Yes, po, taken na.”

Showbiz or non-showbiz?

“Non-showbiz po.”

Isang congressman ba ang kanyang boyfriend ngayon?

“Ay, hindi po totoo yon. Hindi po ako nag-gaganun. Ano po siya, ten years ang tanda niya sa akin. I’m 22.”

Kasama si Kim sa upcoming teleserye ni Marian Rivera titled The Good Teacher.

“Opo. Ako po ang kontrabida niya dun. Okay po kami. Wala po kaming problema ni Ms. Marian.”

Hindi naman ba na-i-insecure si Marian sa beauty ni Kim?

“Ay wala po...wala pong ganun, mabait po siya sa akin. Actually ini-acknowledge niya ako pa ako sa storycon namin. 

"Sabi pa niya, 'O, ayan Kim, magsasama na tayo, ikaw talaga yung naisip ko for this role.' Happy naman ako dun kasi ini-acknowledge niya ako in front of many people then. Tapos kinausap ko rin siya nang personal, nang tapos na ang aming storycon, sabi ko, 'Ate thank you so much po.' Tapos ang sagot niya sa akin, 'Okay lang yan, kaya natin 'yan.' Gumanun siya. Ang bait niya.”

Bilang Pantasya ng Bayan, okay lang ba kay Kim na pagpantasyahan siya ng mga lesbians?

“Ahhh...Haahaha...wala naman pong problema dun. Kasi yung naman po ang naging bansag sa akin, so okay lang kung trip nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagparamdam na ba sa kanyang mga lesbians?

“Ahh, wala pa po. Hahaha! Ang natatandaan ko lang po nung elementary ako, may mga sumusulat po sa akin, ipinapaabot sa akin yung mga sulat nila, yung mga kaklase ko noon meron din po na mga lesbians before, yung mga ganun. Nung high school wala pero may mga naging kabarkada po ako na lesbians.”

Kung may magka-gusto sa kanya ngayon na miyembro ng LGBT community, may chance ba if ever?

“Hindi ko pa po masasabi. Hahaha! Kumbaga, hindi naman po natin alam kung ano pa ang mga mangyayari in the future.”

Ilang years na sila together ng kanyang boyfriend?

“One year na po.”

Going strong everyday?

“Hahaha...yes po.”

Available na ang Kim Domingo: State Of Undress sa mga newstands, bookstores, convenience and supermarkets nationwide for P250.



Stories We Are Tracking

This is Marian's new look for The Good Teacher
This is Marian's new look for The Good Teacher
Marian joined by Helen Gamboa in GMA primetime series
Marian joined by Helen Gamboa in GMA primetime series
Marian primetime show revealed; Alyas Robin Hood gets Book 2
Marian primetime show revealed; Alyas Robin Hood gets Book 2









WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN