Kim Domingo: "Hindi naman po habang-buhay na magpapa-sexy po ako."

IMAGE From Instagram account of Kim Domingo

Kim Domingo feels elated that Marian Rivera personally handpicked her to star in The Good Teacher. Kim says about her future plans: "Hindi naman po habang-buhay na magpapa-sexy po ako."



Pagkatapos gawin ang afternoon series niyang D’ Originals, makakasama ni Kim Domingo sa pagbabalik teleserye si Marian Rivera.

Magkapatid daw sila ng Kapuso Primetime Queen sa The Good Teacher.

“Very happy and very thankful po ako, kasi nabanggit po ni Ms. Marian na parang personal pick niya po yata ako for the role.

“And noong time po na nag-storycon kami, parang pinipigilan ko lang maiyak, kasi nga, overwhelmed ka, yung excitement, and matagal ko na rin po siyang gustong makatrabaho.

“At mabait po siya,” pahayag ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanyang photo book, ang Kim Domingo: State of Undress ng Summit Media

Siya raw ang magiging kontrabida ni Marian sa teleserye.

Okay lang ba sa kanya na tila palaging kontrabida roles ang napupunta sa kanya?

“Ako, okey po ako.

“As long as meron pong trabaho, okey po sa akin,” saad niya.

TRANSCENDING HER SEXY IMAGE. Kilala si Kim ngayon bilang sexy star.

Okay lang siya sa label na yun?

“Okey naman po,” saad niya.

“Kasi ako po, kaya ko naman ginagawa talaga, kasi ginagawa ko yun para mapabuti ang acting ko.

“Nagwu-workshop ako kasi nga, meron akong gustong ma-achieve talaga.

“Gusto ko pong patunayan sa sarili ko na hindi lang ako pang-ganun.”

Pero isa raw sa gusto niyang mangyari pa rin sa career niya ay makilala siya bilang isang aktres.

Aniya, “Ang gusto ko pong ma-achieve, siyempre tumagal pa ko sa industriya.

“Ako po kasi, hindi lang pa-sexy ang image ko.

“Gusto ko rin na dumating ang time na actress na talaga.

“Meron din po siyempre before na mga nagpa-sexy rin, tumagal sila sa industriya at tinawag silang aktres.

“Ako rin po siyempre, nangangarap din po ako na matawag na aktres.

“Hindi naman po habang-buhay na magpapa-sexy po ako.”

Ilan sa mga gusto raw niyang sundan ang yapak sa mga aktres na nagpasexy muna ay sina Jaclyn Jose at Diana Zubiri.




Stories We Are Tracking

Is Marian Rivera insecure of co-star Kim Domingo?
Is Marian Rivera insecure of co-star Kim Domingo?





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#stateofundress ???? is now available in all National Bookstore Branches for only 250 pesos ????

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN