Former Valentina Celia Rodriguez recalls, "I've never seen any Darna na nag-flop."

IMAGE Noel Orsal

Celia Rodriguez reacts to her tag as Queen of Contravidas. She is part of the new GMA-7 afternoon series Haplos. 


Bilang si Lola Biring ay mabait ang papel ng veteran actress na si Celia Rodriguez sa Haplos, ang bagong drama series ng GMA-7.

Ano ang mas gusto ni Celia: ang mabait na papel o ang kontrabida siya sa isang proyekto?

“Depende sa istorya, depende sa circumstances, oo. Kasi mayroon namang mabait na wala namang meat ang role, di ba?”

Na parang dekorasyon lang?

“Yes! Mabait ka nga, bida ka nga e hindi naman maganda ang role mo… so it all depends on the role.

“Depends on the role. Pero yung mataray naman na kontrabida I can do it with my eyes closed, but again depende kung gaano kalalim ang role.

“Di ba? E, kung kontrabida ka nga, sigaw ka lang ng sigaw wala namang meat ang role.”

Nakausap namin si Celia sa presscon ng Haplos sa 17th floor ng GMA Network.

Binanggit namin kay Celia na kilala siya bilang Queen of Contravidas…

“Hindi naman ako ang queen,” ang mabilis niyang pagtutol, na sinagot naman namin na “one of the queens” na ikinatawa naman ng aktres.

Kapag binibigyan siya ng role na mabait, hindi ba siya nahihirapan?

“Hindi! All my roles na nanalo ako ng awards lahat mabait ako. Ang dami kong role na mabait ako. My Best Actress award, inaapi-api ako, sa Lilet.

“So sanay ako sa both.”

Ano ang masasabi niya sa mga artista sa makabagong henerasyon?

“The most enduring person is the one that stays on top for quite a while. Hindi yung sikat ka ngayon, ngayon sikat na sikat na sikat ka, tapos after two years, ‘Whatever happened to that woman? Whatever happened to that guy?’

“So it’s how you stay on top and how long will you be there.

“The longevity is very important.”

Tulad nga ni Celia.

“Hindi naman,” tugon ng 79-year-old actress.

More than fifty years na siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ang Haplos, naging bahagi si Celia ng Because Of You starring Carla Abellana at Gabby Concepcion. Ito ay nagtapos noong May 2016.

Kuwento ni Celia: “Then I left for Australia because I have a son who’s a doctor in Australia. I was there for about three-four months.”

Ikakasal raw next year ang anak niyang doktor.

Sa Haplos ay bida sina Sanya Lopez bilang Angela Alonzo, Thea Tolentino bilang Lucille Bermudez, Pancho Magno bilang Benedict Dizon, at Rocco Nacino bilang Gerald Cortez.

Kasama rin sa Haplos na mapapanood na sa Lunes, July 10 sina Patricia Javier bilang Minda Alonzo, Emilio Garcia bilang Renato Alonzo, Francine Prieto bilang Mercedes Bermudez, at Diva Montelaba bilang Wendy Reyes.

Ito ay sa direksyon ni Gil Tejada Jr. sa GMA Afternoon Prime.

ON DARNA. Samantala, naging malaking bahagi si Celia ng mga proyektong Darna; apat na projects ng Pinay superheroine ang nagawa niya.

Aware raw siya na muling “lilipad” si Darna; gagawa ang Star Cinema ng isang Darna movie na pagbibidahan ni Liza Soberano.

“It’s okay, Darna should fly and go on,” at tumawa ang aktres. “Di ba?

“I’ve never seen any Darna na nag-flop, e. Pero ang pinakamalaki yatang kinita yung kay Vilma, yung Lipad, Darna, Lipad!

“I’m so happy. Darna should not rest, she should fly!

“Lalo na ngayon ang hirap ng buhay, she should… tulungan niya ang mga mahihirap,” at tumawa ang beteranang aktres.

“Ang daming problema, tumulong si Darna!”

Na habang pinapanood ng publiko si Darna ay naiibsan kahit paano ang suliranin ng mga tao?

“Exactly. ‘Darna, tulungan mo ang mundo! Hindi lang ang Pilipinas, ang mundo!’
“I’m happy, I’m very happy.”

Bilang si Valentina ang role niya sa Lipad, Darna, Lipad! kunsaan si Vilma Santos ang bida.

“I was the first to reprise [the role of] Valentina after Cristina Aragon, hindi pa ako artista nun, with Rosa del Rosario as Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then I made Darna Kuno with Dolphy, that’s a spoof, Lotis Key was the Darna. Hindi ako Valentina dun, from outer space na ang laki-laki ng ulo, naghahasik ako ng lagim.

“Yung pangatlo kong Darna kay Angel Locsin, actually hindi ako Valentina dun I was the head of all the contravidas including Valentina.”

Si Celia ay gumanap na Braguda sa Darna ni Angel Locsin sa GMA-7 noong 2005.

“Ako [as Braguda] ang nag-develop kay Valentina, played by Alessandra de Rossi.”

Ang pang-apat naman niyang Darna ay ang kay Marian Rivera noong 2009 kung saan gumanap si Celia bilang Perfecta na isang mortal na tao at namamahala ng isang bahay-ampunan.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN