Regine Velasquez reveals what she likes most about playing a goddess in Mulawin vs Ravena

Regine Velasquez wants to honor her late father, Mang Gerry, during her 30th anniversary concert.


Paano napapayag si Regine Velasquez na tanggapin ang role bilang Sandawa sa GMA-7 primetime telefantasya na Mulawin vs. Ravena?

“Kasi yung Mulawin, sinu-shoot sa bahay ko,” natatawang biro ng singer-actress.

Pero ayon dito, “Kasi, hindi naman ako—minsan twice a week, minsan thrice a week. Minsan may week na wala. I’m not always there. Although the character are major, pero ensemble naman siya, marami kami. I’m not required to always be there.

“Yun ang masaya.

“Kinukuwento ko nga sa kanila, noong Poor Señorita, 40 sequences kami a day, 39 dun akin. Tapos yung pang-40, wala nga akong line, pero background ako. So parang 40 pa rin,” natatawang kuwento niya tungkol sa kanyang Kapuso teleserye na pinalabas noong 2016.

“Ngayon ko lang na-experience yung 10 lang, uwi na. Ang saya! Parang raket lang. Pero ‘wag kayong maingay kay GMA, baka bigyan na naman ako ng 40 sequences.

“Masaya! Umuuwi ako ng maaga.”

Ang kanyang character na si Sandawa ay goddess of Nature at keeper ng Mt. Apo.

“No, it’s a major character, I’m always there. Bilang Dyosa, suplada ko, e. Hindi ako palaging available.”

Nag-eenjoy talaga si Regine sa paggawa niya ng Mulawin vs. Ravena dahil na rin sa mga co-stars niya.

Aniya, “Of course, I get to work with Dennis [Trillo]. Kahit na panandalian lang, I get to work with them. I get to talk to them. Nakakatuwa kasi, ang daming nandoon. Si Angelu [de Leon], it’s my first time to work with her.

“Si Ariel [Rivera], nice kasi, parang yung last time na nag-soap kami, one hundred years ago na yun. It’s nice to be working again together. So nakakatuwa.

“Actually, ang saya. Kapag tiningnan mo, parang complicated, mahirap siya. Pero masaya kami. Since sobrang kailangan kabisado namin ang lines, straight na Tagalog. Kung ano ang nakasulat, yun ang ime-memorize mo. Sobrang kaming nong lahat, the night before lang, nagme-memorize na kami.

“So when we go there, we actually have more time to chika kasi, namemorize na namin.”

Lalo na sa karakter niya, kailangan daw na Tagalog na Tagalog lang siya.

Bilang si Sandawa, kumusta naman ang reaksiyon sa kanya ng mga netizens o manonood?

“Hindi ko alam,” natawang sagot niya.

“Well actually, parang marami sa mga nababasa ko sa Twitter, maraming natutuwa sa story. Actually, maganda talaga ang story. Kapag nabasa mo nga, ang ganda ng story. Even yung mga lines, yung mga dialogue namin, they’re very poetic.

“Especially yung lines ko at lines ni Lovi [Poe]. Since hindi kami mga human beings, our lines are very poetic. Ultimo yung away naming mag-ina, parang poem, e. Nakakatuwa.”

Sabi pa niya, “Ako, I’m happy to play this role and to be part of this project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BACK TO RECORDING. Magbabalik si Regine sa recording pagkatapos ng halos limang taon at kasabay pa nito ang kanyang ika-30th anniversary sa showbiz.

Nagbabalik siya ngayon sa kanyang orihinal na tahanan: ang Viva.

Ayon kay Regine, “Kasi nga yung concept din ng album ko, I wanted to re-record yung songs ko in the past. E, parang ang may pinakamalaking library ang VIVA as far as my recording is concern. Parang mas dito possible. Plus the fact na thirty years ago, dito ko ni-record yung first ko,” lahad niya.

Ang konsepto rin ng R3.0 album niya ay compilation ng tatlong CD. Puwedeng mabili individually at puwede rin as a box set bilang collection.

Naniniwala pa rin ba siya sa CD kahit na ang karamihan ngayon ay digitally produced na?

“Meron din siya. Meron din digital pero, we want—since we’re celebrating thirty years of my career, parang maganda pa rin na meron kang mahahawakan plus maraming pictures,” natatawang sabi niya.

Napakarami na at halos lahat yata ay matatagumpay ang naging solo concert niya sa loob ng tatlong dekada.

Isa sa pinaka-memorable para kay Regine ay ang ika-25th anniversary niya kunsaan ginawa niya ang R2K concert.

Paano magiging iba ang R3.0 concert niya kumpara sa nagawa niya in the past?

“Yun ang talagang mahirap gawin for the concert. Kasi nga, I’ve done my silver, which is my 25th. So, yun retrospect na yun ng career ko for the past 25 years.

"Itong 30 years, parang we’re trying not to look like that, yung parang retrospect, but at the same time, kailangan pa rin daanan ang mga songs na naging mahalaga sa akin and obviously, aabangan din naman ng mga nagsusuporta sa akin.

“Ewan ko, hindi ako ang magdidirek so good luck na lang,” natawa niyang sabi.

“Exciting actually kasi, hindi ko alam kung ano ang mangyayari pa. Pina-plano pa lang ng director. Exciting yun for me kasi hindi ako nakikialam, e.”

Magiging special guest ba niya ang mister na si Ogie Alcasid?

“Hindi ko nga alam e, baka si Nate na lang,” natawang hirit niya.

Para sa R3.0 concert niya sa Mall of Asia Arena, meron daw siyang konsepto na gustong mangyari na sana nga raw, magawa nila.

Ayon kay Regine, “Meron akong gustong gawin na hopefully, magawa namin.

“We need the approval of GMA. Kakausapin ko muna sila bago ko mai-announce.

"Actually, kapag nakuha ko ang approval, I should now announce it para hindi ma-preempt.”

Dugtong din niya, “Basta meron. Gusto ko siyang gawin kasi, merong deeper reason why I wanna do it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Unlike silver, I was just really celebrating it with the fans. This is very important for me kasi, I also want to honor my father. Kasi siya yung kasama ko. I wanna honor him. It’s not just me, doing another concert, sing songs, I wanna honor my father.

“That’s what it means sa akin, yung thirty years this time,” saad niya.

Ang kanyang ama na si Mang Gerry ay namatay noong February 2014.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN