Ejay Falcon clarifies network switching rumors

Ejay Falcon on difference of Ang Probinsyano from his past projects: "Hindi ka yung nagpapakilig na halikan."



Si Ejay Falcon ang isa sa mga bagong ABS-CBN stars na pumasok sa primetime series na Ang Probinsyano.

Masayang-masaya ang aktor na natuloy na siya sa naturang primetime teleserye.

“Masaya kasi ang kuwento tungkol sa SAF. Ako rito si SPO2 Jerry dela Paz. E, pina-pangarap ko naman talaga na mag-action-action, natupad naman dito. At siyempre, maka-trabaho si Coco [Martin],” lahad ni Ejay makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opisina ng PPL office noong July 11.

Sabi pa niya, “Non-stop kami kapag hindi nagti-take, non-stop din naman ang kuwentuhan namin."

Kahit paano raw, nakaka-relate rin sila sa isa’t-isa dahil halos pareho sila na galing din sa hirap.

“Halos pareho kami ng pinanggalingan. Hindi kami galing sa mayaman. Marami kaming experience sa buhay na puwede naming pag-usapan, topic namin.”

Napagkukuwentuhan nila ni Coco yun?

“Pati sa mga girlfriends, sa mga past, pinagmulan mo, pinanggalingan mo, yung mga ganun,” lahad niya.

Inspirasyon daw para kay Ejay si Coco.

“Oo naman, yung pinanggalingan niya mula sa wala, tapos ‘eto na,” saad niya

Dugtong pa niya, “Yung nag-indie siya, tapos parang kinuha raw siya one time sa isang soap, sabi sa kanya, parang sexy actor raw siya, yung ganun.

“Tapos naging waiter raw siya sa ibang bansa. Nakaka-inspire lalo na nakikita mo yung success niya ngayon.”

Ano ang mga advice sa kanya si Coco?

“Mga simpleng advice, pero kahit hindi ka naman advisan na bro ganito, ganiyan. Pero tinutukan niya talaga ang bawat eksena naming lahat. Pero kahit hindi siya mag-advice, kung paano naman siya magkuwento, kung ano ang sinasabi niya, parang ina-advisan na rin niya kami.

“Kasi, marami kang realization sa buhay.”

Ikalawang pagkakataon na rin daw niyang maka-trabaho si Coco. Nagkasama na sila sa Maalaala Mo Kaya na kuwento rin tungkol sa SAF.

Pero ayon kay Ejay, “Yung sa MMK kasi, hindi masyadong ano—sobrang konti ng eksena. Dito may mga eksena kami na kinokontra ko siya, binabara ko siya.

“Siyempre magaling siya, parang ako, kino-kontra ko siya na mas magaling ako. Pero magkakampi. Hindi kami magkalaban.”

Enjoy raw talaga siya na nakasama siya sa Ang Probinsyano.

“Enjoy!” sabi niya.

“Pagod ka physically pero masarap kasi very lalaki yung show. Hahawak ka ng baril. Hindi ka yung nagpapakilig na halikan. Iba, sobrang iba siya.

“Tapos yun nga, gusto ko rin talaga kasi nga action.”

Nauna pa ngang mapanood sa Ang Probinsyano si Ejay kumpara sa may isang taon na rin na nagawa niyang teleserye, ang The Promise of Forever.

“Okay na rin, okay siya kasi, Probinsyano naman ang show. Dapat maging thankful talaga ko. Hindi ko na iniisip yung hindi pa umeere ang isang show namin.

“Kasi, halos lahat naman ng artista, gustong mag-guest sa Ang Probinsyano. Thankful ka pa rin kahit na hindi pa umeere ang isang show mo na alam kong eere rin naman, in the right time.”


SWITCHING NETWORKS? Dahil co-managed na si Ejay ni Perry Lansigan ng PPL Entertainment, Inc. nagulat din daw ito nang biglang nagkaroon ng isyu na lilipat na siya ng network.

Ayon kay Ejay, “May mga nagti-text sa akin, may mga nagtatanong. May tumawag pa.”

Anong naging tugon niya sa mga nagtatanong?

“Sabi ko hindi, may show nga ako. May ginagawa naman ako. Co-management lang talaga at Star Magic pa rin ako. So para isipin nila na lilipat ako.

“E, hindi naman nila ko nakitang nagti-taping sa kabila o nakatungtong doon. Wala naman talaga.”


ON HIS GIRLFRIEND. Sa personal na buhay, maayos naman daw sila ng girlfriend na si Jana Roxas.

“Steady lang, hindi naman kami nagmamadali, enjoy lang,” nakangiting sabi niya.

Wala pa naman sa plano nila ang magpakasal?

“Ah wala pa, hindi pa pumapasok sa isip namin yun. Kumbaga, ine-enjoy lang namin yung moment talaga. Yung ngayon, kung ano ang nangyayari sa amin.”

Iba ba si Jana sa mga naging relasyon niya?

“Iba?” tila napaisip niyang tanong din.

“Siguro iba na lang din ako ngayon. Hindi naman sa iba siya kung hindi iba na rin ako ngayon. Mas matured na. Kumbaga dati, bawat kibot mo iisipin mo, may loveteam ako, baka bawal, baka ganito.

“Hindi mo pa kayang pagsabayin ang trabaho at saka lovelife. Ngayon, matured ka na, alam mo na pagsabay-sabayin.”

Wala na ba siyang mga “on-the-side?”

“Oo hindi na, parang oras mo pa nga lang sa girlfriend mo, mahirap mo ng ibigay, makakagawa ka pa ba iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

Former Kapuso Louise delos Reyes joins Ang Probinsyano
Former Kapuso Louise delos Reyes joins Ang Probinsyano
What's next for Onyok after exiting <em>Ang Probinsyano</em>?
What's next for Onyok after exiting Ang Probinsyano?




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN