Was Jessy Mendiola booted from Banana Sundae?

IMAGE Noel Orsal

Jessy Mendiola explains her rift with Banana Sundae's wardrobe assistant. The ABS-CBN actress confirmed that she is no longer part of the comedy show.



Isa sa isyung kinasangkutan kamakailan ni Jessy Mendiola ay ang pagkakatanggal nito sa ABS-CBN comedy show na Banana Sundae dahil nakaalitan daw ng aktres ang wardrobe assistant ng show.

Ayon sa balita, tumanggi raw si Jessy na magsuot ng sexy outfit para sa opening production ng programa.

Nasulat din na kinausap daw ng boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano ang naturang wardrobe assistant upang magkaayos sila ng aktres pero nauwi rin daw ito sa di pagkakaintindihan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jessy nung nakaraang Linggo sa ASAP ay binigyang linaw nito ang kinasangkutang kontrobersiya.

“I felt bad for a while, kasi I don’t want to tolerate that kind of attitude.

“Pero ganun talaga, e.

“Siguro that’s the way he or she is to other people.

“He doesn’t see anything wrong with that.

“Siguro kasalanan ko din kasi sensitive ako pagdating sa ganun.

“Pag natataasan ng boses o natatalikuran, nao-offend ako.

“'Yan yung time na okay na, napag-usapan na.

“Oo, nag-sorry siya, nag-explain siya, nag-explain ako so hayun, okay naman.

“Luis? Kasi close sila, kasi siyempre napi-feel bad siya pag may ganun.

“Umiiyak din ako nung time na yun.

“I think naman may kanya-kanya lang tayong sensitivity, how we are to other people, how we treat other people.

“Siguro tingin niya okay lang, tapos ako naman naging over-sensitive lang.

“Talagang magkaiba lang kaming tao, tapos nangyari.

“Tumagal din ako sa Banana Sundae, ang dami kong natutunan, nag-enjoy akong magpatawa, mababait sila, sobrang family talaga sila."

May spekulasyon na nag-ugat ang problema sa mga sexy na damit na pinapasuot kay Jessy. Bilang tugon rito, sinabi ni Jessy:

“Sexy? Ha? E, sexy nga ang suot ko dito sa ASAP, tapos ang sayaw pa namin dun sa mga side-side.”

Kinumpirma din ni Jessy na wala na siya sa Banana Sundae at may mga proyekto na nakalinya niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na ako dun. Projects? Mayroon, pero pinag-uusapan pa. It’s a serye and a movie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN