Jose Manalo returns to Eat Bulaga after absence of almost a month

by Nikko Tuazon
Jul 22, 2017
Jose Manalo as Lola Tinidora in Eat Bulaga's opening production number earlier today, July 22, 2017.

Muling nagbalik sa Eat Bulaga ngayong araw, July 22, ang comedian/host na si Jose Manalo matapos halos isang buwang hindi ito mapanood sa nasabing Kapuso noontime show.

Ikinatuwa ng mga manonood ng Eat Bulaga na muling makita si Jose bilang si Lola Tinidora sa opening number ng programa kung saan kasama nito ang iba pang Kalyeserye stars na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Nidora (Wally Bayola).

Matapos ang production number, nakuha pang magbiruan ng tatlong lola.

Pabirong bungad ni Tinidora kay Nidora, "Galit ka pa ba?"

Natatawang dagdag naman ni Tidora, "Ano ba magbati na nga kayo! Echos!"

Ang sagot naman ni Nidora sa tanong ng kapatid, "Anong galit? Wala namang ganyang galit!"

Marami raw namiss si Lola Tinidora lalo't mahigit tatlong linggo rin itong wala sa programa.

Aniya, "Ay nako, buti naman na-miss ko kayo, na-miss ko ang mga apo ko, na-miss ko rin yung mga apo ko sa talampakan at saka yung mga kapatid ko. I missed you so much guys!"

Continue reading below ↓

Nitong July 6, isang mensahe ang ipinadala ng senior vice president and chief operating officer of TAPE Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar sa GMA News tungkol sa pansamantalang pagkawala ni Jose sa Kapuso noontime show.

Ito'y dahil na rin sa kumakalat na tsismis na suspended raw ang actor/comedian sa nasabing programa.

Aniya, "He is on vacation leave."


STORIES WE ARE TRACKING


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jose Manalo as Lola Tinidora in Eat Bulaga's opening production number earlier today, July 22, 2017.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results