Aljur Abrenica is now a Kapamilya!

IMAGE Courtesy: Eric John Salut on Facebook

Mainit na sinalubong ng ABS-CBN executives na sina Deo Endrinal, Laurenti Dyogi, at Cory Vidanes ang magiging bagong Kapamilya na si Aljur Abrenica (third from left) ngayong araw, July 31, 2017. 


Maituturing nang isang Kapamilya si Aljur Abrenica.

Ngayong hapon ng Lunes, July 31, opisyal nang sinalubong si Aljur ng ABS-CBN executives na sina Cory Vidanes (Chief Operating Officer), Laurenti Dyogi (business unit head), at Deo Endrinal (Dreamscape production head).

Ayon sa post ng ABS-CBN publicist na si Eric John Salut, magkakaroon na ng show si Aljur sa Kapamilya network at nailatag na rin daw ang iba pang programa para sa former GMA-7 actor.

Sa ngayon, wala pa raw pinipirmahang kontrata ang 27-year-old actor. 

Nitong Marso lamang nag-expire ang kontrata ni Aljur sa GMA Network, kung saan siya nadiskubre nang hirangin siya bilang Ultimate Hunk sa fourth season ng StarStruck noong 2006.

Ilang linggo na ang nakalilipas ay namataan din si Aljur sa compound ng ABS-CBN, kaya naman malakas ang usap-usapang lilipat na ito ng home network. 


Stories We Are Tracking

Aljur visits ABS-CBN office; will he become a Kapamilya?
Aljur visits ABS-CBN office; will he become a Kapamilya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN