Vice Ganda: "Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba't sila naglilipatan?"

IMAGE courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Trending sa social media ang biro ni Vice Ganda tungkol sa slogan ng GMA Network. Tinanong niya ang contestant sa segment ng It's Showtime na Miss Q and A, "Kung sinasabing ang GMA ay 'Where You Belong,' ba't sila naglilipatan?"



Hagalpakan ang mga tao sa loob ng It’s Showtime studio ngayong hapon ng Lunes, August 7, dahil sa birong tanong ni Vice Ganda tungkol sa network transfer.

Sa "Wit Lang" portion ng Miss Q and A, ang isa sa pinaka-popular na segment ng show, pabirong tinanong ni Vice ang contestant ng ganito: “Kung sinasabing ang GMA ay 'Where you belong,' ba’t sila naglilipatan?”

Matapos ang ilang segundong tawanan, sinabi naman ni Vice na, “Charot lang.”

Napansin din niyang dalawa sa mga judge ng segment ay sina Bela Padilla at Karylle, na parehong galing sa GMA Network kaya naman nag-sorry rin si Vice sa kanila.

Aniya, “Ay, sorry Bella, na-affect ka ba? Sorry, Karylle.”

Nagtawanan lang pareho sina Bela at Karylle dahil sa biro ni Vice tungkol sa Kapuso network.

Sa huli sinabi ni Vice na "joke" lang ang lahat.

Naging trending topic naman kaagad sa Twitter ang birong tanong na ito ni Vice.

Ang hashtags ng It's Showtime episode na ito ay #TNT2Q1AuditionSong at naging trending topic din ang #MissQandA.



Ang pinakahuling artista ng GMA Network na lumipat sa ABS-CBN ay si Aljur Abrenica. Siya ay kasama na sa Kapamilya primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.


Stories We Are Tracking

Aljur on FPJAP:
Aljur on FPJAP: "Nagkataon po na interesado sila sa akin."
And the first Kapamilya show of Aljur is...
And the first Kapamilya show of Aljur is...
15 StarStruck graduates who are now Kapamilyas
15 StarStruck graduates who are now Kapamilyas




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN