Joyce Ching recalls time when Kristoffer Martin considered leaving GMA-7

IMAGE Noel Orsal

When asked if she has plans of switching networks, Joyce replied, "Okay ako with GMA, and okay rin ako sa kung paano nila i-handle yung career ko."


Isa ang GMA-7 actress na si Joyce Ching sa mga kasali sa acting workshop ng kilalang New York-based professional acting teacher na si Anthony Vincent Bova.

Ayon kay Joyce, dalawang batches ang workshop: isa sa umaga at isa sa hapon.

“Sa morning po ako,” lahad niya.

Ayon kay Joyce, ang mga iba pang mga Kapuso stars na makakasama niya sa morning class ay sina Mikee Quintos, Kristoffer Martin, Gil Cuerva, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Koreen Medina, Mikoy Morales, at Diva Montelaba.

Aabot sa 46 na GMA artists ang sasalang sa naturang three-day acting workshop ni Mr. Bova.

“Hindi ko po nakita yung buong list,” sinabi ni Joyce nang makausap siya nga PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) noong August 14 sa 17th floor ng GMA Network.

Excited si Joyce para sa naturang workshop.

“Kasi si Sir Anthony, first hand niyang na-experience saka ang tagal niyang kasamang nagwo-work si  Sir Eric [Morris].

“So excited po ako kasi siyempre sina Miss Ana [Feleo na nagpa-facilitate rin ng acting workshop sa GMA] although same system ang itinuturo nila, parang adapted na yun sa culture  ng Pilipinas, ng mga Pilipino.”

Si Eric Morris ay isang acting teacher at actor na nagtatag ng Eric Morris System, ang ginagamit ng GMA sa kanilang previous workshops para sa kanilang mga artista upang mas lalong mahasa ang mga ito sa pag-arte.

“Tapos si Sir Anthony talagang  galing sa New York, sa Broadway, so iyon, exciting,” ang bulalas pa ni Joyce.

Ano ang inaasahang matutunan ni Joyce kay Mr. Bova?

“Mahilig po ako sa workshop, e.

“Kasi po strong believer ako na kailangan na ninu-nurture mo talaga, kailangan lagi kang  nakakakuha ng fresh na  input sa ibang tao.

“Plus, kasi sa TV limited lang yung, for example, ito ang character mo, parang iyon at iyon lang ang nagagawa mo.

“Pero pag nagwo-workshop ka kasi, different characters, different emotions talaga yung nata-tap kasi ini-explore talaga siya lahat," paliwanag ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Plus, it adds rin sa confidence value kasi parang if alam mo sa sarili mo na, ‘Uy, pinag-aralan ko ito’ or ‘Nag-workshop ako before this’, parang nakaka-boost siya ng confidence.”

ON LOYALTY. Kasama si Joyce sa teleseryeng Super Ma’am na pagbibidahan ni Marian Rivera sa GMA-7.

Lahad ni Joyce tungkol sa kanyang role, “Ako po ay isang oracle, ako si Dalikmata.

“Meron akong power na, kasi sa story, mawawala yung power source ng mga  uri namin, ng mga Tamawo.

“So ako, para akong compass, alam ko kung saan nakatago yung mga sakras, yung mga power na yun.”

Mabait ba ang karakter niya sa Super Ma’am?

“Depende po iyon sa kung sino’ng makakakuha sa akin.

“Kung mapunta ako sa mga bad people, magagamit pa rin nila yung power ko, parang ganun.”   

Dahil malapit na kaibigan at dating karelasyon ni Joyce si Kristoffer Martin, tinanong namin ang aktres kung ano ang alam niya tungkol sa napabalitang muntik ng pag-alis ni Kristoffer sa GMA.

Ano ang naging reaksyon niya tungkol doon?

“Natawa! Natawa talaga?” natatawa pa ring sagot ni Joyce.

Sa isang Instagram post kasi ni Kristoffer, inihayag ng binata ang tila plano nga nitong paglipat ng ibang “bakuran.”

“So nagkaroon kami ng chance mag-usap,” pagpapatuloy pa ni Joyce. “Sabi ko lang sa kanya, ‘Sure ka ba?’

“Parang ganun.”

Ngunit ayon sa dalaga, hindi naman daw dumating sa puntong sigurado na si Kristoffer sa paglipat niya.

“Pero hindi  naman talaga yung muntik na, na andito na yung contract, hindi pinirmahan, hindi naman po ganung level.

“Pero iyon, siguro nag-e-explore din siya kung saan siya mas magwo-work, mas magiging okay ang career niya.”

Kasama rin si Kristoffer sa Super Ma’am.

Umabot din ba si Joyce sa ganitong desisyon?

“Ahm,  dati pa siguro, as in matagal na matagal na. Iyon, dati,” tugon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon?

“Ngayon parang… okay ako with GMA, and okay rin ako sa kung paano nila i-handle yung career ko.

“And loyalty. Loyalty,” diin pa niya.

Ang kontrata daw ni Joyce sa GMA-7 ay aabot pa ng mga tatlong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN