Dennis Trillo recalls memories of Mulawin vs. Ravena as it comes to an end

Dennis is proud to have worked with different actors on the set of the GMA-7 series: "Talagang prepared sila nang pumunta rito at nakita ko yung passion nila at kung gaano sila ka-proud na maging parte ng Mulawin vs. Ravena."


Marami raw magagandang memories ang Kapuso actor na si Dennis Trillo sa set ng Mulawin vs. Ravena, ang pinagbibidahan niyang GMA-7 fantaserye na nalalapit nang magtapos.

“Siyempre yung memories, marami e,” saad niya.

“Ang dami naming magkakasama rito, yung samahan namin every day sa taping.

“Masaya ako na iba-ibang henerasyon ang nakatrabaho ko. 

“Yung mga bata na nagsisimula, pero parang masuwerte 'ko dahil hindi sila basta lang isinalang dito.

“Talagang prepared sila nang pumunta rito at nakita ko yung passion nila at kung gaano sila ka-proud na maging parte ng Mulawin vs. Ravena.

Dagdag na pagmamalaki pa ni Dennis, “Actually, lahat kami proud sa mga ginawa namin at na-achieve namin at sa mga taong napasaya namin. 

“Na kahit magtatapos na e, kahit paano, maraming natuwa sa ginawa namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis noong August 26 sa taping ng Mulawin vs. Ravena sa Makati City.

Na-meet ba ang expectation niya sa muli niyang pagganap bilang Gabriel?

“Oo naman,” saad niya.

“Actually, una pa lang sinabi ko na gagawin ko ‘to kasi ang ganda ng kuwento.

“Noong ine-explain nila sa akin ang mangyayari sa character, dun pa lang, yun na kaagad, e. 

“Na-meet na kaagad ang expectation, dun pa lang.”

Pinarating ng PEP.ph kay Dennis kung gaano siya purihin ng mga co-stars niyang sina Derrick Monasterio at Miguel Tanfelix. 

Tila manghang-mangha ang mga ito sa nakita nila kay Dennis bilang aktor.

Tugon dito ni Dennis, “Siyempre, natutuwa. 

“Masabihan ka nang ganun.

“Siyempre, bawat projects naman, kahit na gaano ka pa kasanay, meron pa rin ‘yan learning process kung paano mo pagagandahin. 

“Pero masasabi ko lang sa kanila, hindi rin ako nahirapang katrabaho sila.

“Katulad nga ng sinabi ko, katulad nung 'sinalang sila rito sa Mulawin, prepared silang lahat. 

“Lahat ng mga tools para pagandahin ang mga characters, pagandahin ang mga eksena, equipped silang lahat. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami rin silang mga workshops kaya nakita kong well-prepared sila.

“Hanggang ngayon sa pagtatapos, consistent yung energy and enthusiasm nila sa paggawa ng mga eksena.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN