Will Super Ma'am Marian Rivera crossover to Dingdong Dantes's Alyas Robin Hood 2?

Marian Rivera is doing her fight scenes in Super Ma'am herself, much to her own delight. "Yun talaga ang gusto ko… Ang pangit kapag may double, halata, e." Is there a possibility for her character to appear in Alyas Robin Hood 2, the show topbilled by her husband Dingdong Dantes?



Magbabalik na sa primetime si Marian Rivera sa pamamagitan ng Super Ma’am.

Fantasy-action ang tema ng upcoming GMA-7 teleserye na ito.

Aniya, “Nandun yung fight scene na hinahanap ko, yun talaga ang gusto ko, e.”

Mismong si Marian ang gumagawa ng mga fight scenes nila.
 
Katwiran niya, “Ang pangit kapag may double, halata, e.”
 
Umalma nga raw si Ai-Ai delas Alas sa fight scene nila sa ibabaw ng bubong na kinunan sa isang building sa Tutuban.

Kuwento niya, “Kaya nga si Kambal [referring to Ai-Ai] nagagalit sa akin, pero in a joke lang. 

“Sabi nga, ‘Kambal, ang tanda ko na, pinapaganito mo pa ko?’

"Tumatakbo-takbo kami, puma-fight kami sa tren.”

Sa mga ipinakita sa kanyang materyales, ang Super Ma’am ang pinakanagustuhan niya.
 
Lahad ni Marian, “Maraming prinisent sa akin ang GMA, pero ito talaga ang napusuan ko.

“Especially, wholesome kasi siya ’tapos teacher pa, pangarap kong maging teacher.
 
“Maganda kasi ito para maging aral, magmulat sa mga estudyante.

“Kasi nowadays, parang iba na ang kultura ng mga kabataan ngayon.
 
“At least kahit papaano ito, may moral values talaga siya sa mga makakapanood.”

Magsisimula na ang Super Ma'am ngayong Lunes, September 18.

FAVORITE PEOPLE. Isa raw si Kim Domingo ang napili ni Marian na makasama niya dito.

Ayon sa kanya, “Talagang sinabi ko na isa si Kim sa gusto ko. My God, si Kim!

"Pantasya siya at perfect siya sa character, maganda siya, sexy siya.

"Magaling namang umarte, at saka ang bait-bait niya, e.”
 
Aminado rin si Marian na si Jerald Napoles ang kanyang choice as leading man.

“Ah, leading man, si Je ang gusto ko, well, siguro GMA na rin.

"Pero isa siya sa personal choice ko talaga.”

Si Marian at Jerald ay parehong talent ng Triple A na siyang may hawak rin ng career ni Marian.
 
Ang isa pa niyang leading man ay ang half-American, half-Filipino na si Matthias Rhoads.
 
Kumusta naman ito?
 
“Mahal niya ang trabaho niya,” saad ni Marian.
 
“Sabi ko nga, siya yung tipo na mahal niya ang trabaho niya kahit nagsisimula pa lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Willing siya at nakikita kong nakikinig siya kay Direk.
 
“Kapag may instruction si Direk, talagang naka-focused talaga siya.”
 
Ang tinutukoy ni Marian ay si Direk L.A. Madridejos na una pa lang niyang nakatrabaho.
 
Sabi pa niya, “Magaan ang mga katrabaho ko rito at special mention ko talaga si Direk L.A.

“Napakagaan katrabaho, nag-a-adjust talaga siya ayon sa kakayahan ko so hindi ako nahirapan talaga.
 
“First time ko siyang makatrabaho, love na love ko siya.

“Sabi ko nga, sorry, I have new favorite,” natatawang dagdag pa ni Marian.

Paborito rin daw si Direk L.A. ng main cast ng nagtapos na Meant to Be.

BEYOND PRESSURE. Halos mahigit dalawang taon din na hindi gumawa ng primetime serye si Marian, maliban sa ilang episodes na napanood siya sa Encantadia bilang si Ynang Reyna.
 
Kahit alam niya na mahigpit ang labanan ngayon ng dalawang networks sa primetime, hindi na raw niya iniisip ang pressure.
 
“Lahat naman ng trabaho ay may pressure, pero wala na ko run, e,” saad niya.
 
“Ang gusto ko lang, gawin ko nang maayos ang trabaho ko at masaya akong nagta-trabaho.

“Especially, meron akong mga bagong kaibigan, itong cast na ito na sinasabi ko ngang kapamilya ko na.
 
“Sobra ang saya na looking forward ako na magpunta sa taping, ang sasaya nilang katrabaho.”
 
Matutuloy ba ang plano na maggi-guest si Marian bilang si Super Ma’am sa Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes, asawa niya?
 
“Kaso ang problema walang schedule na maibigay, pero malay mo naman, mag-overlap,” nakangiting sabi niya.







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN