Two Pinoys win at 69th Primetime Creative Arts Emmy Awards

John Lim (left) and Zaldy Goco (right) were among the winners at the 69th Primetime Creative Arts Emmy Awards held last September 10 at the Microsoft Theater in Los Angeles, California. They were recognized for their outstanding technical expertise in the Lady Gaga episode of the reality show RuPaul's Drag Race.



Dalawang Pinoy ang nanalo sa 69th Primetime Creative Arts Emmy noong September 10, 2017 sa Microsoft Theater in Los Angeles, California.

Nanalo ang dalawang Pinoy para sa reality competition show na RuPaul’s Drag Race na hinu-host ng American actor, drag queen, at singer-songwriter na si Ru Paul Charles.

Ang Fil-American na si Zaldy Goco na lumaki sa Connecticut ay nagwagi ng Emmy for costume design para sa episode ng RuPaul’s Drag Race na pinamagatang “Oh. My. Gaga” kunsaan guest si Lady Gaga.

Ibinahagi niya ang kanyang award sa kanyang kapwa costume designer na si Perry Meek.

“I just couldn't believe it!

“I had a speech and I didn't even get to thank my team.

“I'm like so upset that I didn't get to thank them because it was them that made this possible,” sabi ni Goco sa interview niya with ABS-CBN News.

Matagal nang nagtatrabaho bilang costume designer si Goco.

Nakapag-design na siya ng ilang costumes para kay Madonna at sa pumanaw na King of Pop na si Michael Jackson.

Malaking influence daw sa kanyang pagiging costume designer ay ang damitan ang mga Pinoy relatives niya kapag may party siya sa bahay nila.

Ang isa pang Pinoy na nanalo ng Emmy ay si John Lim na nagwagi for editing sa Lady Gaga episode ng RuPaul’s Drag Race.

Mga co-winners niya ay sina Jamie Martin at Michael Roha.

Unang pinamimigay ang Primetime Creative Arts Emmy bago ang 69th Primetime Emmy Awards na magaganap ngayong September 17 (U.S. time) sa Microsoft Theater in Los Angeles, California.

Ang Creative Arts Emmy ay nagbibiday parangal sa “outstanding, artistic, and technical achievement in television programs in various genres including animation, reality, and documentary categories.”


I WON A FUCKING EMMMY !!! #emmy #costumedesign #rupaulsdragrace #ladygaga

A post shared by Perry Meek (@perrymeekcostumedesign) on




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN